^

PSN Showbiz

Pops, naging hardinera

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Pops, naging hardinera
Pops Fernandez

Nakalabas kahit paano noong mag-GCQ (general community quarantine) si Pops Fernandez, pero ngayong MECQ (modified enhanced community quarantine sa Metro Manila (at mga karatig probinsya), sa bahay lang daw ang Concert Queen.

Wala namang problema ‘yon kay Pops dahil takot din naman siyang magka-COVID-19, kaya behaved talaga siya.

Saka enjoy rin naman sa bahay si Pops, Ateng Salve, dahil nahihilig siya ngayon sa pag-aalaga ng mga halaman.

“Yes, stay home lang. I am so busy planting. Hahaha!” sey ni Pops.

“I’ve been planting seeds. Actually, meron na ngang bunga ‘yung iba. Namunga na siya, ang saya nga. Nakaka-happy talaga,” sey niya.

Actually, bukod sa kanyang live streamings sa kanyang social media accounts, ang pag-aalaga raw ng halaman ang dahilan kung bakit hindi siya naiinip sa bahay.

Kaya sa mga pasaway, mag-isip din kayo ng mga puwedeng gawin sa loob ng bahay para hindi na kayo lumabas, huh!

Pelikula ni Lovi no. 1 sa Netflix

Ang bongga rin ni Lovi Poe, huh!

Number one na sa Netflix Philippines streaming app ang Hindi Tayo Pwede nila nina Marco Gumabao at Tony Labrusca na ni-release ng Viva Films sa mga sinehan noong March.

‘Yung Malaya original movie naman niya sa iWant app kung saan kapareha niya si Zanjoe Marudo ay nag-number one rin.

So, certified queen si Lovi ng streaming apps, huh!

Anyway, masaya si Lovi sa kaliwa’t kanang pagko-congratulate sa kanya sa tagumpay ng Hindi Tayo Pwede sa Netflix Philippines.

Happy si Lovi sa bagay na ‘yon.

Siyempre, mas nakaka-happy na pati ang Hollywood producer-boyfriend niyang si Montgomery Blencowe ay panay rin ang congratulate sa aktres, ‘noh?!

Nakapalitan ko rin ng DM (direct message) si Lovi sa pamamagitan ng Instagram at tinanong ko when niya nalaman na nag-number one sa Netflix PH ang Hindi Tayo Pwede?

“I found out last night before going to sleep. I’m glad that somehow kahit na-cut short po siya sa cinemas cause of the pandemic, now people can watch the film na pinaghirapan namin in the comfort of their homes.

“And the fact that it’s #1, I’m just grateful cause we gave our all here. Tony and Marco were such professionals and I’m just glad to work with people who don’t hold back, always ready to give their best.

“Always a pleasure to be working with the best of the best Direk Joel Lamangan and Mr. Ricky Lee. What combination,” sey ni Lovi.

Ang sweet nga pala ni Lovi, Ateng Salve, nagpasalamat siya sa akin for always supporting her.

Isa si Lovi sa mga artistang nagbibigay ng pagpapahalaga sa entertainment press.

Mayamang baklang negosyante itinangging nahuthutan ng bisexual na reality show star

Naimbitahan akong mag-dinner ng ilang Filipino friends sa may Silver Lake area sa Los Angeles, California last week.

Nagkataon naman na nagdi-dinner din doon ang isang gay Filipino businessman na na-link sa isang reality TV show star sa Philippines.

Noong araw, lumabas ang tsikang may mayamang gay businessman na karelasyon si reality TV show star kaya umayaw na ito sa showbiz at nasa L.A. na.

Grabe raw kasing gastusan ng mayamang gay businessman si reality TV show star.

Pero correction ni mayamang gay businessman, wala raw katotohanan ‘yung tsikang ‘yon.

“While he’s here, nag-work siya. Yes, nakatira siya sa akin that time, pero hindi naman totoong grabe ko siyang gastusan. Ni hindi ko siya nabigyan ng sobrang mamahaling gamit.

“Ako ang nagbayad ng airfare niya papunta dito, pero economy lang.

“So, hindi naman totoo ‘yung balitang grabe ko siyang ginastusan noong nandirito siya,” sey ng katsikahan ko.

Wala ngang sinabi si mayamang gay businessman na nanamantala sa kanyang gene-rosity si reality TV show star, huh!

Bumalik daw ng Philippines si reality TV show star dahil nagkaroon uli ito ng offer kaya naghiwalay na lang daw sila.

Yes, bisexual si reality TV show star at hindi na naman niya ikinaiila ang bagay na ‘yon at very open na siya sa kanyang sexual preference.

‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with