^

PSN Showbiz

Male personality puwedeng puro ice cream ang kainin everyday, mahusay sa datung

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Puring-puri ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang kilalang male personality sa pagiging masinop sa pananalapi.

Dahil sa maayos niyang pamamahala sa kinikita nilang mag-asawa ay wala silang iniintindi ngayong panahon ng pandemya.

Kahit magtagal pa ang pagdidiskubre sa bakunang lilipol sa salot ay makapamumuhay pa rin nang maayos ang pamilya. Mawalan man sila ng trabaho ay okey lang, hindi sila magugutom, dahil napaghandaan na ng male personality ang mga ganitong pagkakataon.

Kuwento ng aming source, “Kakambal ng male personality ang calculator. Mawala na ang lahat ng mga kagamitan niya, huwag lang ‘yun!

“Bukod sa nasa personal computer na niya ang listahan ng pasok at labas ng kanilang pera, e, meron pa siyang libro. Nandu’n ang kinikita nila, ang pinagkakagastusan nila, kumpleto ang mga detalye!

“Ganu’n siya kaingat sa pera. Kapag may tinatanggap siyang check para sa ginagawa nilang TVC, parang may general meeting silang mag-anak.

“Kinakausap niya ang wife niya, ang mga anak nila, cards on the table ang ginagawa niya para siyang owner ng business na nagre-report sa mag-iina niya kung magkano ang kinita nila para sa ginawa nilang commercial.

“Ganu’n siya kadetalyado. Inire-report niya talaga ang finances nila sa asawa at mga anak nila. Walang labis, walang kulang,” simulang kuwento ng aming impormante.

Pero sa kabila ng pagiging detalyado ng male personality sa kanilang pampinansiyal na estado ay hindi niya pinagdadamutan ang mga taong mahal nilang mag-asawa.

Dagdag na kuwento ng aming source, “Tinutulungan niya ang pamilya niya, kahit ang family ng wife niya, hindi niya pinagdadamutan. Basta kaya nila, sige-sige lang sila sa pagbibigay ng tulong.

“Disiplinado rin ang mga anak nila, kahit meron na silang sariling kinikita dahil nag-aartista na rin sila ngayon, low key ang magkapatid. Hindi sila spoiled.

“Ang galing-galing talagang magpamilya ng male personality na ‘yun, alam niya kung saan ipupuhunan ang pinaghihirapan nila, kaya talagang hindi sila magugutom.

“Kahit pa puro ice-cream lang ang kainin nila everyday, mabubuhay sila, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Parang bagong hasang labaha ang dila sa katabilan aktor na si ED gustong ipatapon sa dagat para makasama ang mga syokoy at sirena

Kung walang pinapanigang partido ang actor na si ED ay mas magiging makabuluhan at parehas ang mga ginagawa niyang pagpansin-bira-upak at kung anu-ano pa sa ating kasalukuyang pamahalaan.

Isang mulat na Pilipino ang magiging imahe niya, pero lantad na Dilawan si ED, kaya kapag bumabanat siya sa gobyerno ay kitang-kita ang kanyang kulay.

Matabil ang dila niya. Bibihirang lalaki ang kinakikitaan namin ng ganu’ng pag-atake, maihahambing sa bagong hasang labaha ang maanghang niyang dila, walang garter na hihila sa kanya pabalik kapag lumalabis na ang kanyang mga pahayag.

Para lang siyang nagkukukot ng kornik kung sabihan niya ng “Isinusumpa kita!” si Presidential Spokesman Harry Roque.

Parang kaedad lang niya ang pangulo at ang mga tagapamuno ng iba-ibang departamento ng gobyerno kung magpakawala siya ng litanyang “Ang yayabang n’yo!”

Kinikilabutan din kami sa dila niya. Taong-palengke at talipapa rin kami, pero bibihira kaming makarinig ng ganu’n katalim na komento, nangangabog talaga ang pagiging talakero ng aktor na ito.

Dahil pinepersonal niya ang mga taga-gobyerno ay magpapakabog ba naman sa kanya ang mga DDS na parang mga miyembro ng isang kulto? Never!

Ano ang resbak kay ED ng mga kamping-PRRD? Ipinatatapon siya sa dagat, kung hindi raw siya nasisiyahan sa pamamalakad ng ating pamahalaan ay umalis na siya sa lupa, sa dagat na lang daw siya tumira.

Nakakapagdalawang-isip ang bira sa aktor, ang karaniwang naririnig nating litanya ay magpunta na lang sa ibang planeta ang mga reklamador, pero bakit sa dagat nila gustong manirahan si ED?

Unang naisip namin ay magaling na swimmer si ED, magiging ligtas siya sa tubig dahil mahusay siyang lumangoy, hindi siya magdedelikado sa dagat.

Kapag tinanggap ni ED ang hamon ng mga DDS na sa dagat na lang siya tumira ay makakasama niya sa karagatan ang mga isda, alimasag, pusit, hipon at huwag nating kalilimutan na ayon sa kuwentong-pambata ay sa dagat din nakatira ang mga siyokoy at sirena.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with