Gerald, niregaluhan ng kotse ang ina
Gerald
STAR/ File
Gerald, niregaluhan ng kotse ang ina
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Multicab lang sana ang gusto

Kamakailan ay sinorpresa ni Gerald Anderson ang inang si Evangeline Opsima na kasalukuyang nasa General Santos City. Niregaluhan ng aktor ang ina ng isang kotse na matagal na raw nitong pinapangarap. Aminado ang aktor na hindi ito ang tamang panahon upang gumastos dahil sa krisis na kinakaharap ng buong bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Gusto lamang mapasaya ni Gerald ang ina kaya binilhan ng sasakyan.

“May konting surprise para sa nanay ko. Actually matagal na niyang nire-request ito. Hindi rin ako sigurado kung ito ang perfect time para ibigay sa kanya ito. Siyempre ang dami nating pinagdadaanan, pandemic and lockdown. Siyempre shutdown ang livelihood naming lahat. But you know, ’yung nanay ko ay isa sa pinaka-motivation ko sa buhay ko para mas pagbutihan ‘yung trabaho. So ‘yung kaunting request niya binigay natin. Sana makapagbigay ng kaunting saya at kaunting sorpresa para sa kanya,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Gulat na gulat si mommy Vangie nang dumating sa kanilang bahay sa General Santos City ang bagong pick-up na regalo ng aktor. Kasalukuyan namang nasa Maynila si Gerald nang makuha ng ina ang kotse na may kasama pang mga bulaklak.  “Oh! Really? That’s from my son? That’s from Gerald? Thank you very much. I really appreciate it. It’s not my birthday. I’m very surprised. I know you don’t have money. I know you don’t have big income yet because ABS-CBN is closed but I really appreciate it. Thank you very much, son. I love you. You know RJ (tawag kay Gerald), you’re always surprising mama. Too much son,  I’m just asking you a multicab. I don’t need a fancy car yet but thank you,” emosyonal na mensahe ni Mommy Evangeline.

Kim, nagpasalamat kay Boyet

Noong isang linggo ay namatay na ang karakter ni Christopher de Leon bilang si Adam Wong sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Para sa aktres ay isang malaking karangalan na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho si Boyet. Umaasa ang dalaga na muling makakatrabaho sa ibang proyekto ang beteranong aktor. Pinasalamatan at binigyang-pugay din ni Kim si Boyet sa pamamagitan ng isang Instagram post.

“Papa Adam!

Thankful for the opportunity to have worked with you tito @sgt.pepper8 star struck at the beginning actually till the end. Things went crazy in the middle due to him affected by covid19. We all got worried. Praise God you survived and passed that stage. Thank you tito bo for teaching all of us that no matter how far, how high you have become as an actor, working with you made me learn so many things. Professionalism at its finest! The same level of acting no matter you are seen on cam or off cam, Support thy co-actor, and most especially your faith in God. Nakakabilib po! Thank you, Tito bo. Lucky to have worked with you. I hope to work with you again in this lifetime! Stay safe and healthy tito. –Kim”

“Hahanapin natin ang hustisya na nararapat para sayo Papa Adam -JiaWong #love thy woman,” post ni Kim.

Ang beteranong aktor ang gumanap bilang ama ni Kim sa serye na ngayon ay napapanood pa rin sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live mula Lunes hanggang Biyernes.  (Reports from JCC)

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with