Korina napanindigan ang pagpayat, parang hindi rin tumatanda!
Korina
Korina napanindigan ang pagpayat, parang hindi rin tumatanda!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Wow 11 years na pala ang Beautéderm Corporation.

Bilang bahagi ng celebration ng kum­panya ni Ms. Rhea Tan, isang collaboration with veteran broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas ang inilunsad, ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink.

Matapos nga ang halos dalawang taon ng research at actual ­testing kay Korina, finally ayan na at na-reveal na ang isa sa kanyang mga best kept secrets na kanyang pinaniniwalaan ay pinakamalapit sa fountain of youth.

“Marami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” chika ni Ms. Korina.

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally at externally. As in, it preserves and promotes youth of the organs at kasama na rito ang kutis and ang buhok.

Distributed ang Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm.

Ang FDA-Notified ng produktong ito ay mayroon diumanong all-natural ingredients gaya ng sodium hyaluronate, chamomile, at pomegranate at Sakura flower extracts na dinagdag sa collagen – na lahat ay meticulously formulated upang bigyan ang ating katawan ng daily boost of energy, vitality at youth.

Rhea

“I am extremely proud to be part of this collaboration between Beautéderm and myself,” sabi ni Korina. “Sa buong staff ng Beautéderm, sa mga amazing resellers at distributors, sa aming loyal users, at sa aking mahal na kaibigan na si Rei Tan – congratulations! Honored ako na maging bahagi ng Beautéderm family.”

“I welcome Ms. K with open arms and a happy heart,” pahayag naman ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea. “Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at sa kanyang tiwala. This is so exci­ting. The drink currently has a strawberry milkshake flavor and we will launch other flavors in the months to come. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang na-rerepresent sa produkto naming ito.”

“Handa na ba kayong sumigla, bumata, at gumanda? K-llagen is here and it really, really works. Cheers,” pahabol pa ni Ms. Korina na sa true lang naman talaga para ngang hindi nadagdagan ang edad at pumayat pa.

The other day ay ang update niya ay from 121 last March, ngayon ay 110 lbs. na lang siya. “Just to report to you: from 118 days since Day One of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I’ve been able to MAINTAIN  (that’s the REAL challenge). 20-50g carbs daily ONLY. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan! #BestLife,” kaya naman talagang maraming napa-wow sa kanyang photos na naka-swimsuit na puwedeng cover ng magazine si Madam K.

Malamang sa rami nang nagbibigay sa kanya ng masasarap na food habang lockdown, tikim-tikim lang ang ginagawa niya para nga ma-maintain ang 110 na timbang.

Anyway, para sa karagdagang impormasyon at exciting updates ukol sa K-llagen at kay Korina Sanchez-Roxas, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Samantala, napapanood pa rin sa digital platform ang programa niyang Rated K.

KORINA SANCHEZ-ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with