Luis nakipagtapatan sa katawan ni Jerry Yan
Jerry Yan at Luis Manzano
Luis nakipagtapatan sa katawan ni Jerry Yan
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Habang nagti-trending kahapon ang sexy photo ni Jerry Yan na sumikat noon sa Meteor Garden na in all fairness ay hitsurang hindi rin nagkaka-edad like Ms. K, nag-upload si Luis Manzano ng same angle ng nasabing photo ng Taiwanese actor habang nasa bathtub.

“Di naman sa pang-aano Jerry Yan, papunta ka palang, naka-ilang balik na ako... spell Sexy? L-U-I-S . Boom,” ang aliw na caption ni Luis na semblance of truth naman talaga.

Naks.

Para diumano sa bagong series ang nasabing pictorial ni Jerry Yan na kinabaliwan talaga nang todo ng mga Pinoy noong panahon ng Meteor Garden.

Branded items nakumpiska sa NAIA

Grabe, worth P15 million na misdeclared high-end brands ang nahuli kahapon ng BOC sa NAIA.

Kasama rito ang mga Chanel bags, Hermes cups and saucers, Christian Louboutin, Louis Vuitton, Prada bags, Balenciaga shoes and wallets, Chanel earrings at marami pang ibang items.

Ang sabi sa report ng Bureau of Customs, declared itong shampoo, soaps, towels, toiletries, canned goods, milk, chocolates etc., ‘yun pala mga branded items.

Sino kaya sa maraming online shoppers ang may-ari ng mga nasabing item?

Anyway, ayon sa dalawang friend kong online shoppers, hindi apektado ng lockdown / quarantine ang kanilang negosyo.

Kontrobersiyal na guidelines sa shooting, pinag-uusapan na

Mukhang pinaplantsa ng showbiz industry leaders ang naging malaking kontrobersiya ng iba’t ibang version ng guidelines / protocols para sa new normal shooting and taping.

Kahapon ay may naganap na meeting kung saan nagharap-harap sina Senator Tito Sotto, mga producer at si FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chairperson Liza Diño.

Sa update ng FDCP sa kanilang Facebook page ay nagpasalamat sila kay Senate president Sotto and Sen. Bong Go : “FDCP sincerely thanks Senate President Vicente Sotto and Senator Bong Go and the Office of the President for organizing and attending a meeting requested by the PMPPA (Philippine Motion Pictures Producers Association) and the IGA (Inter-Guild Alliance) and attended by DOH, DOLE, and FDCP to discuss pending concerns about the FDCP-DOLE-DOH Joint Administrative Order No. 2020-001.

“In attendance from PMPPA were Chairman Malou Santos, Atty. Joji Alonso, Director Joey Reyes, Director Erik Matti, Mister Dondon Monteverde, Miss Roselle Monteverde, Director Olivia Lamasan, Miss June Rufino, and Mister Arnold Vegafria, while the IGA was represented by Mister Mackie Galvez.

“FDCP, DOH, and DOLE were represented by Usec. Liza Diño, Usec. Rosette Vergeire and Usec. Benjo Benavidez, respectively. Also present were DTI Usec. Bong Vizmonte, DepEd Usec. Alain Pascua, Atty. Marc Bragado, and Asec. Darren Salipsip of the Office of the Presidential Legal Counsel.

“All parties had manifested their willingness to work together and align with the common cause of protecting the workers of the film industry during the pandemic and to further review the JAO as deemed necessary.

“More meetings will be held to straighten out the details.”

Bukod sa kontrobersiya, matindi nga ang nagaganap na bangayan sa FDCP at PMPPA dahil sa nasabing guidelines hanggang sa sinabi ni Senate President Sotto na author ng RA 9167, or the law ­creating the Film Development Council of the Philippines, na hindi na ito sakop ng FDCP.

Pero sinabi ni Ms. Diño na ang guidelines nila ay approved by the DOH and DOLE, na ayon naman sa PMPPA ay aprubado ng AITF (Inter-Agency Task Force) ang kanilang inilabas ding guidelines.

Umaasa ang marami sa showbiz industry na maaayos ang guidelines na majority ay hindi pumabor sa inilabas ng FDCP.

Actually, may oras pa silang ayusin ito dahil hanggang August 18 pa ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at ibang kalapit-pro­binsiya kaya wala munang nagbabalak mag-shooting.

JERRY YAN LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with