Bitoy nakaranas ng discrimination
Michael V.
Bitoy nakaranas ng discrimination
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Ayaw na lang idetalye pa ni Michael V. ang sinasabi niyang discrimination at harassment na naranasan niya at ng kanyang pamilya nang malaman ng lahat na nag-positive siya sa COVID-19.

Inilabas niya sa kanyang vlog nung nakaraang Lunes ang pinagdaanan niya at para na rin ibalitang nasa recovery period na siya dahil unti-unti nang bumabalik ang lakas niya at nawawala na ang ibang sintomas ng naturang sakit.

Nakausap namin siya sa DZRH nung nakaraang Lunes ng gabi at masaya ang boses niyang okay na ang kalagayan niya pero hindi pa niya masasabing completely healed na siya.

“I would say na hindi pa ako 100 percent, pero ramdam kong wala na ‘yung virus,” pakli ni Bitoy.

“Ang pinagbabasehan ko yung symptoms eh. ‘Yung fever na ‘yun ang nakakapraning sa lahat, ‘yung fever na ayaw matanggal kasi there are times na nilalabanan ko ng Paracetamol eh.

“So, there are times na ‘yung umpisa medyo 4 hours ang pagitan tapos humahaba na. So, nagiging 8 hours na akala ko pagaling na ako. Tapos biglang naging 4 hours na naman. ‘Yun ang medyo sa akin talaga, teka nakakatakot to.

“Nung early onset yung epekto talaga ramdam ko eh. Mabilis akong mahilo, mabilis akong mapagod,” dagdag niyang pahayag.

Hindi niya idinetalye pa, at willing naman daw niyang ikuwento sa amin off the record ang nangyari sa kanya at ng kanyang pamilya mula sa mga taong ‘di naintindihan ang pinagdaanan niya.

“Ang objective lang naman para maprotektahan ang environment.

“Maganda naman ang intensyon namin. Siguro mali lang yung pagkakaintindi. Kaya naging iba ‘yung reaksyon ng ibang tao,” safe na sagot ni Bitoy.

Ang payo lang niya sa ibang dumadaan sa ganitong karamdaman, mas mabuti raw na huwag nang i-stress ang sarili.

Puwedeng i-focus daw ang isip sa ibang bagay at huwag sa COVID-19.

Kaya ngayong naka-quarantine pa rin siya, pinagkakaabalahan daw niya ang maglaro para maiba lang ang iniisip niya. Walang stress na iniisip.

“Ako, as much as gusto ko maging busy at gusto kong alisin  sa isip ko yung sakit pero hindi ko naman maiwasan na malungkot dahil nami-miss ko ‘yung family, naririnig ko sila eh, nasa kabilang kuwarto.

“Siyempre, gusto kong sumama sa kanila. ‘Yun ang mga dahilan kung bakit wala ako masyadong nagawa.

“At binuhos ko na lang sa pagi-games. Mawawala ka dun sa ano eh. Hindi mo iisipin ‘yung ano, medyo mapre-occupy ka eh,” pahayag pa ni Michael V.

Nung Lunes namin siya nakapanayam at sinasabi niyang apat na araw na lang at tapos na niya ang kanyang self-quarantine.

Pero kailangan pa niyang magpa-check up at magpa-test uli para matiyak lang na negative na talaga siya sa COVID-19.

Aktres na tiktoker, hindi inaming nagka-COVID-19?!

Nakakatakot na ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.

Bukod sa mga naging open na nahawa sila ng naturang virus, may mga ilan ding tahimik na lang dahil ayaw na lang nilang pag-usapan pa at siguro iniiwasan na lang na makaranas pa ng discrimination.

Kuwento nga sa akin ng mga ka-PEP Troika ko, merong isang anak daw ng showbiz royalty na kumpirmadong naging positive sa COVID-19. Pero sa bahay lang daw ito nagpapagaling kasama ang pamilya. Pero okay na raw ito ngayon at nasa recovery period na rin.

May isa ring aktres na mas kilala sa pagpapatawa ay nahawa na rin daw pero wala pang may nagkumpirma sa amin kung totoo nga ito.

Masipag itong si aktres mag-Tiktok pero napansin din naming natigil siya nang matagal-tagal.

Four days ago ay nakita ko sa Tiktok niyang naka-face mask at nangungumusta sa followers niya. Nami-miss na raw niyang mag-Tiktok.

Mukhang ang sigla-sigla naman niya at masaya ang boses.

Hindi kinumpirma sa amin kung totoong nagka-COVID siya.

MICHAEL V.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with