TV5, dinadagsa ng mga Kapamilya at Kapuso
Janice
TV5, dinadagsa ng mga Kapamilya at Kapuso
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2020 - 12:00am

Identified sa ABS-CBN sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa, pero silang tatlo ang judges sa Bangon Talentadong Pinoy ng TV5 na iho-host pa rin ni Ryan Agoncillo (na identified naman sa GMA 7 dahil sa Eat Bulaga).

Si John, alam ko ay nasa FPJ’s Ang Probinsyano pa rin, kaya inusisa ko tungkol doon si Direk Perci Intalan na produ­cer ng nasabing show.

“During ng taping namin kahapon (at ngayon), wala namang problem dahil break period niya (sa series ng Kapamilya network). Saka I think wala namang problema sa ngayon dahil MECQ (modified enhanced community quarantine),” sabi ni Direk Perci.

Paano kapag nag-resume na si John sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano?

“Try naming ikutan. Puwedeng ibang judge naman. Pero kahit noon naman, ang Talendadong Pinoy kasi, paiba-iba ng judges, ‘di ba?

“So kung may hindi puwede, puwedeng iba naman ang kuning judge,” sabi pa ni Direk Perci na ang IdeaFirst Company nila ng mister na si Direk Jun Lana ang producer ng Bangon Talentadong Pinoy.

Pero ang bongga rin ng TV5 dahil napapanood sa kanila ang mga taga-ABS-CBN at GMA 7, huh!

Puwede bang tawaging “The Friendly Network” sila?

Well…

Gameboys, mambibitin

Dahil sa modified enhanced community quarantine, nag-announce si Direk Perci na ide-delay rin nila ng two weeks ang episodes 11, 12 and 13 ng online BL series na produced ng kanilang IdeaFirst Company, ang Gameboys.

Malaki ang following ng Gameboys na ipinapalabas sa kanilang YouTube channel at biglang sumikat ang mga bida sa BL series na ‘yon na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Nang maka-chat ko si Direk Perci, sinabi niyang natapos naman nila ang shoot ng episode 11 na ipapalabas sana sa Friday, pero mabibitin naman ang episodes 12 and 13, kaya better na hindi muna nila ipalabas ang natapos na episode.

Kailangan din daw kasing maging safe ang lahat ng mga artista, production at creative staff na kasali sa taping.

Dyowa ni Lovi, busy sa pagpo-produce sa Hollywood

Ang tweet ni Montgomery Blencowe na kino-congratulate ang girlfriend na si Lovi Poe dahil nagsimula na ang ­streaming ng Hindi Tayo Pwede sa Netflix (Philippines).

Proud na proud si Monty sa girlfriend.
‘Katuwa lang na tutok talaga si Monty sa showbiz career ni Lovi sa Philippines kahit busy rin naman siya sa pagiging isang Hollywood producer, huh!

Si Monty ang isa sa executive producer ng Hollywood movie na Heist na napapanood na rin sa Netflix (hindi ako sure kung available sa Philippines, pero dito sa USA ay napanood ko na ‘yon).

Actually, nag-message ako kay Monty na napanood ko ang Heist at nagandahan ako sa pelikula at nagpasalamat siya. “That’s very kind of you to watch it! Thank you!” sabi niya sa akin na ang galing talaga ng PR, huh!

Sabi ko kay Monty, favorite actor ko si Jeffrey Dean Morgan na bida ng pelikula at pinanonood ko ang artistang ‘yon sa The Walking Dead.

“He’s great!” sabi niya tungkol sa bida ng Heist.

Sa mga post ni Monty, obvious na sobrang mahal niya si Lovi.

Kahit naman si Lovi, ngayon lang naging ganito ka-open sa kanyang pakikipagrelasyon dahil panay rin ang post niya sa kanyang social media accounts tungkol sa kanyang boyfriend. ‘Yun na!

JANICE DE BELEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with