^

PSN Showbiz

Mayor Goma, inulit ang warning na delikado ang barrier sa motor

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mayor Goma, inulit ang warning na delikado ang barrier sa motor
Richard

Dahil ngayon nga ay modified enhanced community quarantine na uli, at wala na namang public transport, may announcement sila na pinapayagang mag-angkas ang mga motorsiklo, kahit na hindi mag-asawa o live-in partner, sa kondisyong ang mga iyon ay APOR o authorized persons outside of residence, tumutulong lang ang rider at hindi “for hire,” at may gamit na barrier.

Pero natawag ang aming pansin sa comments ni Mayor Richard Gomez tungkol sa barrier.

Si Goma naman talagang motorcycle rider iyan kahit na noong araw pa. Mas mabilis kasi siyang nakakaikot sa motorsiklo, kaya kahit noong hindi pa siya mayor, nakikita siyang nakamotorsiklo sa Ormoc dahil tinitingnan naman niya ang projects noon ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Sa opinion ni Mayor Goma, ang barrier na iyan ay tinatangay ng hangin at delikado para sa rider at sa kanyang sakay.

Sinasabi rin niya na hindi iyan ang kailangang proteksiyon dahil kung umubo ang rider, kahit na sabihin mong may barrier aabot pa rin iyon sa angkas. “Inilalagay lang niyan ang rider at ang angkas sa mas matinding peligro.”

Pero ang barrier, sinabi na nga ng samahan ng motorcycle riders na delikado, maging ng engineers, at maging ang manufacturers ng mga motorsiklo na nagpadala pa ng mga kinatawan nila, pero hindi nga iyan pinakinggan ng IATF. Buo pa rin sa isipan nila na kailangan ang barrier.

Kaya tama si Mayor Goma eh, “huwag na lang kayong mag-angkas kaysa ilagay ninyo ang inyong sarili, ang inyong angkas, at iba pang mga taong maaaring madamay sa inyong aksidente at sa pa­nganib.”

Pero may mga ganyan talagang desisyon. Hindi natin alam kung ano nga ba ang batayan niyang naisip na barrier na iyan, na kahit na lahat against diyan, iyon pa rin ang umiiral na regulasyon.

TV shows, replay na naman lahat

The sad news is, nagbigay na ng advisory ang GMA 7 na kanselado na muna ang taping ng ibang shows na sumasahimpapawid na dahil sa umiiral nga­yong MECQ.

Hindi lamang delikado dahil sa paglobo ng bilang ng mga may COVID, kundi dahil rin sa mahigpit sa regulasyong umiiral na muli, na natural lamang makakaapekto sa kanilang trabaho. Kaya balik replay na muna sila.

Maging iyong Eat Bulaga, na nakakapag-live na mula sa kanilang sariling studio, bagama’t wala pa ring live audience, tigil na muna at balik replay muna dahil sa MECQ.

Wala nga namang masasakyan ang kanilang mga manggagawa papunta sa kanilang studio.

Hindi lang iyan nangangahulugan ng walang hanapbuhay para sa mga artista at manggagawa, ibig sabihin niyan kung kailan nakakulong ang mga tao sa kani-kanilang bahay, at saka naman puro replay lang ang palabas sa telebisyon.

Ang live lang, iyong balita na puro COVID naman ang subject.

Matinee idol malapit nang lumantad na bading

Maugong na maugong ngayon ang sinasabing patagong relasyon ng isang dating sikat na matinee idol at isang seksing male star-model.

Ang male star model na iyan, na may endorsement ng isang underwear factory, kung kani-kaninong bading naman naili-link. Pero malakas ang tsismis na nakipag-split si matinee idol sa kanyang girlfriend dati, dahil mas pinili niya ang sexy model actor.

Ibig bang sabihin ay talagang mestizo ang matinee idol? Mestizo meaning “half Filipino, half Filipina?”

Sayang na bata, pogi pa naman sana.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with