Mga anak ni Richard nagulat sa lock-in taping, actor napabilib sa âmental focusâ ni Coco!
Richard
Mga anak ni Richard nagulat sa lock-in taping, actor napabilib sa ‘mental focus’ ni Coco!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

Hindi affected ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na mag-uumpisa today until August 18 ang lock-in taping ng Ang Probinsyano.

Say ni Richard Gutierrez, ang bagong dagdag na cast ng teleserye ni Coco Martin, naka-quarantine pa sila ng two weeks bago mag-taping uli kaya sakto pagkatapos ng MECQ.

Anyway, maraming nag-worry na baka rin nagkaroon siya or ang buong cast ng Ang Probinsyano ng exposure kay Batangas Vice Governor Mark Leviste na COVID-19 positive. May special participation kasi ang governador sa ilang eksena ng teleserye.

Ayon kay Richard, first week of July pa nila nakasama si VG Leviste at nagpa-swab test sila last July 10 and thankfully, negative silang lahat.

Mandatory na nga ngayon sa lock-in taping ang swab testing, hindi na lang ang rapid test dahil may ilang mga nagpa-positive sa rapid test pero pagdating daw sa swab test ay negative ang resulta tulad nang nangyari sa isang actress na meron daw palang UTI (urinary track infection) kaya positive sa rapid test ayon sa chika ng isang source.

Going back to Richard.

At ang masasabi ng actor na hardest part ng lock-in, ‘yung nabigla ang mga anak nila ni Sarah Lahbati na kailangan niya uling magtrabaho na walang uwian. Ilang months din kasi silang nasa bahay lang dahil sa lockdown na pinatupad kaya nasanay ang mga itong magkakasama sila. “Nabigla ‘yung sons ko kasi after months of lockdown, biglang wala ako.

“Pero si Zion, medyo malaki na, naiintindihan na niya. A few weeks before shooting, nahimas ko na, na I have to go back to work. Pero si Kai, ‘yung maliit, tuwing ka-Facetime ko, parang nagagalit sa akin. Gusto ata itapon ‘yung phone, wala raw kasi ako doon,” kuwento ng actor sa digital media conference kahapon para nga i-welcome siya bilang bagong member ng cast ng Ang Probinsyano.

Anyway, bagong panganib sa buhay at pag-ibig ang haharapin ni Cardo (Coco Martin) sa pagpasok ng karakter niya bilang si Lito, ang kababata at dating kasintahan ni Alyana.

“Excited ako bilang aktor na maging bahagi ng ganitong klaseng show na ilang taon nang tumatakbo pero sinusubaybayan pa rin ng ating viewers. Dapat nilang abangan ang mga paghaharap namin ni Cardo at ang love story namin ni Alyana,” sabi ni Richard.

Ang pagdating ni Richard ang isa sa sinasabing mga pasabog na dapat abangan sa sa teleserye na napapanood na ngayon sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Para makahabol ang lahat, ipinalabas kahapon sa unang tatlong linggo ng Kapamilya Online Live ang episodes ng show sa cable at satellite TV bago ang bagong episodes na ipapalabas sa ikaapat na linggo. Bilib naman si Richard sa energy ni Coco. “Grabe ‘yung mental focus niya, grabe ang energy,” dagdag pa ng aktor.

 

 

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with