Winwyn sumabak na sa military training
Winwyn sumabak na sa military training
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

Inumpisahan na ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang kanyang journey sa pagiging military reservist ng Philippine Navy noong Sabado, matapos siyang sumabak sa Basic Citizens Military Training.

Mukhang ginalingan niya at siya pa ang na-elect na class president ng kanilang batch na BCMC Class 01 2020.

Ibinahagi niya sa Instagram ang naging training, “Congrats sa lahat! Class 01 let’s do this! A strict protocol was followed and everyone was required to do a rapid test before anything else.” 

Matatandaang nagdesisyon si Winwyn na sumali noong Pebrero at sa kanyang enrollment ay winelcome pa siya ng kapwa Kapuso at Philippine Navy reservist officer na si Rocco Nacino.

Samantala, napapanood si Winwyn sa GMA News TV program na Glow Up kasama sina Michelle Dee at Thia Thomalla.

 

 

WINWYN MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with