Team YeY kinilala rin sa UPLB Gandingan Awards
Team YeY kinilala rin sa UPLB Gandingan Awards
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

Itinanghal ang Team YeY na Most Development-Oriented Children’s Program sa #Gandingan2020: The 14th UPLB Isko’t Iska’s Multimedia Awards para sa malikhain at nakakaengganyong mga paraan ng pagbabahagi ng aral at kasanayan sa kabataang Pinoy. 

Araw-araw, tampok dito ang iba’t ibang skills at interests ng mga bata, kasama na ang performing arts, pag-awit, malikhaing paghahanda ng snacks, storytelling, arts and crafts, at larong bahay. 

Ayon kay YeY Channel Head Danie Sedilla-Cruz, patok sa kabataang manonood ang mga batang hosts na nagpapakita ng mga kasanayang ipinalalabas  sa Team YeY araw-araw. 

 “Pakiramdam namin mas naging madali ‘yung pagbabahagi ng mga kaalaman sa mga bata  kasi bata rin ang nagpapaliwanag sa kanila.  Dahil mga bata ang hosts namin, parang nakahanap din sila ng kaibigan at kalaro na laging nandyan para samahan sila,” saad pa niya. 

Mapapanood ang Team YeY sa? YeY ? at sa iWant.? Meron din Team YeY exclusives sa ating YeY Facebook page. 

Kinilala sa ika-14 na taon ng Gandingan Awards ang mga media programs at personalidad na nagpamalas ng development-oriented campaigns at nagpapatibay ng community broadcasting.? 

AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with