Marvin ginagawa ang lahat para sa kambal na anak!
Marvin Agustin, Santiago at Sebastian
Marvin ginagawa ang lahat para sa kambal na anak!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

Bukod sa pagi­ging isang aktor at negos­yante ay abala rin si Marvin Agustin sa pag-aalaga sa kambal na anak na sina Santiago at Sebastian. Kahit matagal nang hindi magkasama ay katuwang naman daw ng aktor ang dating kasintahan at ina ng da­lawang anak na si Tetet Dy sa pagpapalaki. “’Yun ‘yung point ng buhay ng isang taong nagiging magulang na hindi na sarili mo ‘yung iniisip mo. Bago ka maging magulang, ang iniisip mo, ano ba ang magandang gawin ko, ano ba ang gusto ko. Kapag nagkaroon ka na ng anak, siya na ‘yung dahilan kung bakit mo gagawin ‘yung mga bagay na gusto mong gawin. Pinangako lang namin ni Tet sa isa’t isa na we may be like the other families and typical parents na magkasamang palakihin ‘yung mga anak. Dapat may extra effort to be friends and to make sure na maganda ‘yung relationship namin,” makahulugang pahayag ni Marvin.

Maglalabinglimang taong gulang na ngayong buwan sina Santiago at Sebastian. Bilang isang magulang ay wala na raw ibang mahihi­ling pa si Marvin para sa mga binatilyo. “’Yung nakikita mong masaya ‘yung mga anak mo. Nakikita mo na nagde-develop sila on their own, masaya sila sa ginagawa na nila. Na-prepare mo na sila sa mundo,” giit ng aktor.  

MayWard, nagsasanay na hindi magkasama

Isa si Maymay Entrata sa magbibida sa Listen to Love Presents The Four Bad Boys and Me mula sa Star Cinema. Kasama ng aktres sa naturang digital series sina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo at marami pang iba.

Hindi katambal ni Maymay si Edward Barber sa bagong proyekto kaya tiyak na maninibago ang tagahanga ng tambalan ng May-Ward. “Okay lang naman po na may solo projects kami ni Edward. Kasi meron rin naman si Edward tapos nagkakasama rin naman po kami sa iWant ASAP and may upcoming project din po kami,” bungad ni Maymay.

Bilang isang artista ay kinakailangan umano ng dalaga na makagawa rin ng mga proyekto na hindi katulad ng mga nakasanayan na. “Bilang isang Maymay, ‘pag mag-isa lang ako, importante din sa love team na naggo-grow kayo individually. So kahit last year pa, may mga proyekto na kami na solo. Like ‘yung Hello, Love Goodbye ko. Tapos si Edward sa   First Love with Sir Aga (Muhlach), so ‘yun po,” paliwanag ng aktres.

Kahit may kanya-kanyang proyektong ginagawa sina Maymay at Edward ay palagi ring nakasuporta sa isa’t isa. “Ini-enjoy naman at ginagawa pa rin namin ang best namin kahit solo naming project. Suportahan sa isa’t isa, minsan nagkataon magkasabay kaya minsan sabay pa din kami mag-workshop. Nagpapalitan pa din kami ng ideas sa characters na ginagawa namin. Tulung-tulong pa rin naman po,” pagbabahagi ng dalaga.- Reports from JCC

 

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with