Jennylyn, panay ang âsawsaw!â
Jennylyn Mercado
Jennylyn, panay ang ‘sawsaw!’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2020 - 12:00am

Hindi ko alam kung out of context o talaga lang pag ang nagsalita si Sen. Cynthia Villar binibigyan agad ng ma­ling meaning ang kanyang sinasabi. Ipinaliwanag na niya na ang ibig niyang sabihin ay magtrabaho ng mabuti ang mga tao sa gobyerno lalo na sa DOH para hindi mahirapan ang mga tao. Hindi niya tinukoy ang frontliners, at hindi kailanman iisipin ni Sen. Cynthia Villar na hindi sapat ang pagod na ibini­bigay ng mga ito sa paglaban sa COVID-19.

Mataas at malaki ang paggalang ni Sen. Cynthia sa mga frontliner lalo pa nga at naging positive sa COVID-19 ang anak na si DPWH Sec. Mark Villar na alam niyang inalagaang mabuti ng mga frontliner.

Mahirap talaga kung minsan na meron ng bias ang mga tao. Iyon kahit ano pa ang sabihin mo, puwede nila bigyan ng ibang meaning, hindi nila ganap na ma-comprehend kaya hayun nga, out of context ang meaning na ibibigay nila.

Sana naman, lalo iyon mga artista na nakikisali sa issue at nagpipilit maging relevant, intindihin mabuti ang context ng mga binitiwang salita bago magbigay ng komentaryo.

Totoo, dapat naririnig ang boses natin ngayon, pero dapat din maingat tayo dahil apektado nito ang pananaw ng tao.

Gaya nang kahit ano pa ang paliwanag ang gawin ni Sen. Cynthia Villar ngayon inunahan na ng mga komento kaya nagkaroon na ng ibang kulay. Our frontliners are heroes of the new gene­ration, no one on his / her right mind will dare put them down, kaya paano gagawin iyon ng isang elected official like Sen. Cynthia Villar?

Be more vigilant with issues, pero tingnan at pakinggan muna natin mabuti ang sinabi bago gumawa ng comment.

Paging Jennylyn Mercado, more than anyone ikaw sana ang unang dapat nakaintindi. Huwag masyado mahilig sa issue, piliin mo naman. 

Ka Tunying at Gerry nakakalungkot ang pag-babu

Sad naman ako na mawawala na ang radio show nila Ka Tunying Taberna at Gerry Baja. Na­ging habit ko na rin na makinig / manood sa tele­radyo program nila dahil very casual at ang galing ng combination nilang dalawa. Wala silang sapawan at talagang kanya-kanya silang moments. Cute din iyon pagbati nila sa mga listener nila na sa gitna ng mga news talagang naisisingit nila.

Malaking kawalan sa radyo iyon pagkawala ng tambalang Ka Tunying at Gerry Baja dahil isa sila sa talagang marami ang nakikinig at malaki ang cre­dibility ratio nila sa mga balita na binibigay nila.

Nakaka-sad talaga pero sure ako na mapapakinggan sila ulit, dahil sa husay nila imposible na walang kumuha sa kanila. Rest lang ng konti, Ka Tun­ying at Gerry, tapos balik-trabaho ulit. Kayo pa ba mawawalan ng offer eh ang gagaling n’yo.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with