^

PSN Showbiz

Tambalang Alden at Kathryn, hinihingan ng take 2

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tambalang Alden at Kathryn, hinihingan ng take 2
Kathryn at Alden

Parang kailan lang ang excitement sa pagtatambal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, pero isang taon na pala ngayon ang phenomenal na tambalan nila.

Grabe ang excitement ng lahat sa pelikulang ginawa nila noong isang taon na Hello, Love, Goodbye. May mga nagsabing i-boycott at may nagsabing hindi magtatagumpay, pero hayun sinira nila ang box office records. Talaga naman kasing maganda ang pelikula, aside from bagay na bagay sila sa role nila.

Saka pag maganda ang project, wala talagang puwedeng sumira dito, at patunay na hindi totoo ang panakot na boycott dahil hindi nangyari.

Siguro puwede pa ang take 2 sa tambalang Alden at Kathryn, kaya naman marami pa rin ang naghihintay.

Exciting din siguro kung isama si Daniel Padilla noh, mas lalo pang lalakas.

Bongga at wow na wow.

Angeline, proud retokada

Proud retokada raw si Angeline Quinto, Salve.

Noon pa naman ay balita ng Belo beauty si Angeline, mula sa ilong, mga mata, at skin whitening, kaya hindi na nagulat pa ang tao sa kanyang pag-amin na nagpaayos siya sa Belo clinic ni Dra. Vicki Belo.

Walang masama na gustuhin ng isang babae na mapaganda ang kanyang hitsura, at lalo na ngayon na merong clinics na gumagawa nito na mapagkakatiwalaan.

Hindi ko lang alam kung bakit biglang umamin si Angeline Quinto, siguro alam na niya na in secret ay pinag-uusapan ang kanyang pagiging retokada at mas mabuti pa nga na aminin niya na ito.

Good work naman ang ginawa ni Dra. Vicki Belo, ang laki ng iginanda ni Angeline Quinto, kaya doon sa gustong gumanda, go now, maraming branches ang Belo Medical.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with