^

PSN Showbiz

John ayaw maging pulubi

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John ayaw maging pulubi
John
STAR/ File

Sa pagpapagamot kay John Regala naka-focus ang lahat ng tumulong sa kanya ngayon.

Bukod sa in-open na bank account para sa kanya na mina-manage nina Nadia Montenegro at Tita Aster Amoyo, may kinontak na silang doktor na siyang nag-aasikaso sa pagpapagamot sa aktor.

Ayaw niya kasing magpa-confine sa hospital kaya may doktor na nakatutok sa kanya para sa iba’t-ibang treatment nito.

Ipinost ni Chuckie Dreyfus sa kanyang Facebook account na noong July 31, dumaan sa ilang procedures si John sa tulong ng doktor nitong si Dra. Melissa Sinchongco.

Maaaring sa ngayon ay lumabas na ang resulta ng blood chem sa kanya para masimulan na raw ang pag-IV para ma-hydrate siya at dagdag na booster hanggang sa mabalik ang dating lakas.

Ginagamot din daw ni Dra. Sinchongco ang kanyang gout para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng dating aktor.

Dapat ay every two weeks daw ang blood chem na gagawin sa kanya para ma-monitor kung nag-i-improve siya.

Kaya medyo madugo ang gastusin, kaya patuloy silang nangangalap ng tulong para ma-maintain ang pagpapagamot sa kanya.

Makikita sa crowdfunding page na ginawa nina Chuckie na 10 thousand US dollars ang kailangan para sa pagpapagamot nito. Nakalagay din sa naturang page kung magkano na ang nalikom na donasyon at kung ilan na ang donors na nagbigay.

Hands on sina Tita Aster at Nadia sa pag-asikaso, at nandiyan din sina Chuckie, pati si Liza Diño na nag-aasikaso ng personal.

Isinantabi muna nila ang ilang isyu tungkol kay John dahil sa mga nagsusulputang kuwento tungkol sa mga dating asawa at mga anak.

May anak daw siya sa Batangas na gusto siyang makita, at willing daw itong magpa-DNA test. Meron siyang anak sa dating asawa na nasa Amerika na pero tila ayaw naman siyang makita pero may nagsabi rin naman willing siyang tulungan ng dating misis at anak nito.

Ang huling nakarelasyon naman ni John ay gusto na rin munang manahimik at ayaw na niyang makisali sa isyu.

Sinubukan ko siyang kapanayamin pero tumanggi siya dahil mas pipiliin daw niyang huwag na lang magsalita.

Sa kalagayan ngayon ni John, hindi nga sigu­ro nakakatulong kung uungkatin pa ang isyu sa kanyang mga dating nakarelasyon at mga anak.

Ang mahalaga kay John ay gumaling dahil gusto pa raw niyang bumalik sa trabaho at hindi ‘yung parang pulubi na siyang namamalimos ng tulong sa iba.

Kissing scenes sa new normal, may harang na plastic

Ang dami nang nagsulputang BL series ngayon pagkatapos mag-hit sa

sa netizens ang Gameboys na prinodyus nina ­direk Jun Lana at direk Perci Intalan.

Maganda ang feedback sa seryeng ito na napapanood sa YouTube at  nag-hit din sa iba’t-ibang bansa. May fans na nga roon ang mga bidang sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Nagkaroon na rin ng chemistry ng dalawa, lalo na’t kinagiliwan nang husto ang 10th episode nila na ipinalabas noong nakaraang Biyernes.

Masasabing hit loveteam sila sa bagong normal.

Adjusted sa new normal ang mga eksena noong nagkita sila na kung saan napa-practice ang physical distan­cing at pati sa pagyakap at halikan ay may plastic pang nakaharang. Sabi nga ni Kokoy, nakakabitin daw ang halikang iyon.

Iyon na sana ang huling episode nitong Gameboys, pero dahil sa malakas pa rin ang suporta ng netizens sa buong mundo, na-extend pa ito ng tatlo pang episodes. Kaya marami ang curious kung ano pa ang susunod na magaganap sa dalawang bida.

Pero nakakapagtaka naman itong Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara, tatapusin naman agad.

Wala silang sinabing dahilan pero pagkatapos ng episode 6, dalawa na lang daw ay tatapusin na ito.

Produced ito ng Black Sheep ng ABS-CBN 2 kaya nagdududa tuloy ang iba kung may kinalaman ba sa retrenchment ng maraming empleyado kaya tatapusin na ito?

vuukle comment

JOHN REGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with