DongYan, sariling sikap ang bagong short film
DongYan
DongYan, sariling sikap ang bagong short film
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Ang cute ng short film ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Ang concept : busy mom si mommy Marian sa pagliligpit ng kalat sa loob ng bahay at si daddy Dingdong na naka-necktie pero naka-shorts pala dahil nga work from home.

Pero at the end of the day ‘dating gawi’ sila.

Actually, super adjusted na ang mag-asawa sa new normal set up.

Hindi na nila kailangang lumabas at magkaroon ng glam team para sa isang commercial / endorsement shoot dahil kaya na ni Dingdong magdirek at si Marian ay hindi na kailangan ng magmi-make up.

Kaya tipid na ang production.

Samantala, sinisiguro ng mag-asawa na ang kanilang mga proyektong ginagawa nila ay pasok at malapit sa kanilang prinsipyo at adbokasiya. Patunay na lang ang award-winning infotainment show ni Dingdong na Amazing Earth na nagbibigay ng kaalaman sa kalikasan at sa ating planetang ginagalawan.

Saksi rin ang lahat sa husay na ipinamalas ni Marian nang gumanap ito sa epic drama na Amaya.

Sa ika-70 anibersaryo ng GMA-7, pinasalamatan ng mag-asawa ang Kapuso Network sa patuloy na paggawa ng mga programang nagpapahalaga sa kalikasan at kultura ng bansa.

Samantala, napapanood na uli si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth pero si Marian ay balitang sa October pa makakapag-resume ng taping sa series na First Yaya with Gabby Concepcion na ang chika ay ayaw pa ring magtrabaho dahil nga patuloy pa rin ang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa na as of yesterday ay  nadagdagan ng 4,963 kaya konting-konti na lang, aabot na sa 100,000 - 98,232.

Anyway, today nga pala ang birthday ni Dingdong kaya tiyak na may pa-surprise si Marian. Happy birthday Dong.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with