Kim
STAR/ File
Kim nag-mall, weird ang naramdaman
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Weird ang pakiramdam ni Kim Chiu matapos pumasyal sa mall days ago. ‘Yun na rin daw ang pinakamabilis niyang pagpunta sa mall. “Days ago went to the mall for the first time after months, and it was the fastest malling I’ve ever done less than 30mins. Things around us are never the same. It is weird. When will this nightmare be over?!!! Are things going to be the same when this pandemic is done?? When?.... How? So many questions in my mind and none of them have any answer.  #2020.”

Actually, iba talaga ang feeling pag nag-mall ka ngayon.

Samantalang before pandemic, nakaka-happy ang pamamasyal sa mall.

Anyway, ingat tayong lahat, ‘di natin nakikita ang kalaban.

Bean at 1st Ko Si 3rd, libre sa tv

Ngayong Linggo (Agosto 2), mapapanood sa GMA Network ang mga pelikulang magpapatawa at kukurot sa puso ng mga manonood.

Inihahandog ng Kapuso Movie Festival ang comedy film na Bean.  Iikot ang kwento kay Mr. Bean at sa pinakamala­king kapalpakan na kanyang nagawa nang maatasang dalhin ang isang natatanging painting sa isang museum sa Los Angeles.

Mapapanood naman ang isang pelikulang tumatalakay sa pag-ibig, pagtanda at pamamaalam sa GMA Blockbusters. Tampok sa 1st Ko Si 3rd ang istorya ng mag-first love na sina Corazon (Nova Villa) at Third (Freddie Webb) na mas pinakulay ng mga pagbabalik-tanaw at magandang pagkukuwento ng kanilang pagmamahalan.                                                  

KIM CHUI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with