Sofia, hindi masyadong hands-on sa anak
Sofia
STAR/ File
Sofia, hindi masyadong hands-on sa anak
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Noong una ay hindi raw tanggap ng mga magulang ni Sofia Andres ang kasintahang si Daniel Miranda. Taong 2017 nang nagka­kilala ang dalawa at mula noon ay tumatakas pa raw ang aktres upang makipagkita sa race car driver. “Tumatakas ako ng bahay. Actually bawal kami magkita before. Ayaw ng parents ko sa kanya. Kasi mukha raw, sabi ng daddy ko, ‘Chick boy ‘yan, huwag na ‘yan.’ Wala, na-in love ako, tigas ulo, takas, ganyan. Ima­gine, five minutes lang kami nagkikita from Alabang to my house in Antipolo. Around 3 a.m. magha-hi! Lang siyang from outside of my house then leave,” nakangiting kwento ni Sofia.

November 24, 2019 nang ipinanganak ng aktres si Zoe at ngayon ay mas responsable umano si Daniel bilang magulang sa kanilang supling.  “For me ‘yung time management ang importante. So what I do in the morning, I do my routine right away. Siguro 8 to 10 (a.m.) then after that I’ll spend time with her. Samantalang before we just do whatever, may plans pero now mas detailed. Siya talaga ‘yung mas hands-on. Siya talaga ‘yung parang mommy,” pagtatapat niya.

Maraming mga bagay na ang natutunan ni Sofia mula sa nobyo. Matatandaang nanirahan ang dalawa noon sa Australia ng anim na buwan at doon na rin ipinanganak si Zoe. “Honestly hindi ko alam kung paano ima-manage ‘yung money ko. Siya ang tumulong sa akin, my whole life actually I’m with my mom. Siya ang tumulong sa akin on how to handle things, how to be independent. How to do this and that? Fix my clothes, ultimo mag-wash ng damit and all that. I will never forget that experience with him kasi I changed a lot,” pagbabahagi ng aktres.

Coleen, nag-e-exercise pa rin kahit manganganak na

Malapit nang ipanganak ni Coleen Garcia ang magiging panganay nila ni Billy Crawford. Kahit ilang linggo na lamang ang hinihintay ay aktibo pa rin ang aktres sa pag-eehersisyo. Ibinahagi ni Coleen sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kung anu-ano ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon.

“Been taking this time to rest, research, and prepare myself as much as I can – physically, mentally, emotionally, and spiritually – for the big day and beyond! I’ve been pretty chill throughout this whole pregnancy, and I’ve really been loving and treasuring this time. Right now the only really exercise I’ve been getting is some walking, plus online prenatal pilates every other day with @optionsstudiobgc! That (+ good nutrition) is probably why I haven’t experienced any swelling or excessive aches and pains. I still very much like myself, but better, and I’m just soooooo excited for everything that comes after this! La lang, just wanted to share. lol Going on #34w nowww and I can’t believe how fast time is flying!” post ni Coleen. Lalaki ang magiging unang anak nina Billy at Coleen.  (Reports from JCC)

SOFIA ANDRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with