Sorpresang collab single nina Darren at Jayda ikinagulat ng fans
Darren at Jayda
STAR/ File
Sorpresang collab single nina Darren at Jayda ikinagulat ng fans
(Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Sa unang pagkakataon, nagsama sina Darren Espanto at Jayda para umawit ng isang love song, ang Sana Tayo Na mula sa Star Music.

Una nang nagpahiwatig ang dalawa ng kanilang kolaborasyon sa Twitter, kung saan nag-tweet sila ng Sana tayo na at itinag ang acount ng isa’t isa.

Kanya-kanyang hula naman ang mga tao kung ano ang ibig sabihin ng post nila, dahilan para mag-trending ang Sana Tayo Na sa Twitter.

Isang feel-good love song ang Sana Tayo Na  kung saan umaasa ang dalawang tao na balang araw ay makakapiling nila ang bawat isa. Hinihiling din sa kanta ang pagtutugma ng mga bituin para pagsamahin ang dalawang taong nagmamahalan sa hinaharap.

Orihinal na komposisyon ng ama ni Jayda na si Dingdong Avanzado ang kanta, na unang na­ging parte ng kanyang Coming of Age album. Ang revival ay ipinrod­yus ni Jayda at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Huling nakipag-collaborate si Jayda sa The Voice Teens finalist na si Jeremy G noong 2019 para sa kantang Perfectly Imperfect na siya mismo ang nagsulat.

Si Darren naman ay nagtanghal ng awitin niyang Sasagipin Kita sa katatapos lang na virtual celebration ng MYX Awards 2020.

Maniwala na makakasama mo rin ang taong mahal mo at pakinggan ang Sana Tayo Na nina Darren at Jayda sa iba’t ibang digital streaming services.

DARREN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with