Kris
STAR/ File
Kris planado na ang pelikula nila ni Piolo
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Buhay na buhay na naman ngayon ang mga tsika kay Kris Aquino dahil sa nalalapit niyang pagbabalik-TV via her new show Love Life with Kris.

Pagkatapos niyang sagutin ang ilang katanungan ng movie press, may tsikahan siya uli kahapon sa Cornerstone na siyang humahawak ng kanyang showbiz career.

Doon ibinahagi ni Kris na balak din daw sana niyang pasukin ang pag-produce ng pelikula. “I want to produce a horror movie. Kasi, naudlot ‘yon. And I want a mature take that everybody can identify with... about what married couples who are splitting up, and what their children go through.

“I want to produce that movie and write that script. And I want Piolo Pascual to be my leading man.

“Hindi masamang mangarap. And I want the two sons there to be Iñigo and Bimb. May casting na! May synopsis na,” dere-deretsong pahayag ni Kris.

Mala-The World of a Married Couple ang naisip daw niyang kuwento dahil sa kapapanood niya ng mga K-drama.

“Sa kakanood ng K-drama, kung anu-ano na’ng naisip ko. Pero for a change, ayoko na may cheating involved. ‘Yun lang.

“Kasi, sometimes, marriages do break up not because of a third party. So... and I want this told from the point of view of a child in his early teens, and one in his early 20s.

“Because we deserve to see it — from their point of view dahil sila talaga ang nagsa-suffer. ‘Wag n’yong agawin ang idea ko, ha?!” sabi pa ni Kris.

Magandang project ito na sana matuloy at bagay nga sila ni Papa P.

Malaking challenge lang kapag kasama rito sina Inigo Pascual at Bimby Yap.

Ang laki nga raw ng nagbago ngayon kay Kris ayon sa isang malapit sa kanya na nakausap ko.

Hindi na raw ito basta daldal na lang nang daldal. Mas gusto raw nitong tahimik na lang at hintayin na lang ang tamang panahon bago magsalita.

Ang gusto lang daw niya ngayon ay maging proud ang mga anak niya at kahit paano ay maipagmamalaki pa rin daw siya ng namayapa niyang magulang. “I want my sons to be proud of me, because I’m all that they’ve got,” seryosong pahayag ni Kris.

“Gusto ko na hindi mapilitan si Bimb na makipagsuntukan dahil sa ginawa ng nanay niya. Gusto ko rin na nakangiti ang mommy ko sa heaven.

“And I love my sisters very much but my ate (Ballsy Aquino-Cruz). My ate will turn 65 this August. She’s for me the embodiment of my mom.

“So, ngayon, quota na ako sa problema. This time around, wala na silang ibang gagawin kundi ipagmalaki na nag-mature na ‘yung baby nila,” saad ni Kris.

Probinsyano nilagyan ng mga flashback

Mahigit limang libong empleyado na pala ng ABS-CBN 2 ang na-retrench pagkatapos napag­desisyunan ng Kongreso na hindi ito   bigyan ng prangkisa.

May isang source ang ka-PEP Troika kong si Jerry Olea ang nagkuwento sa kanya na meron pa raw second wave of retrenchment sa darating na December kaya ang lungkot daw nila sa opisina kapag nagkikita-kita sila para ligpitin ang kanilang mga gamit.

Pero sabi naman ng ilang taga-ABS-CBN 2 hindi pa rin naman daw sila tuluyang mawawala dahil patuloy pa rin silang napapanood sa Kapa­milya Channel at sa iWant TV.

Nagsimula na kahapon, August 1 ang Kapamil­ya Online Live sa internet — sa YouTube channel na ABS-CBN Entertainment, at Facebook page na ABS-CBN News.

Minsan ay nasilip ko sa iWant ang Ang Probin­syano at bumilib naman ako kung paano nila nairaos ang taping nito na mukhang kinunan ang karamihang eksena sa Batangas.

Kaya nga siguro may role doon si Vice Go­vernor Mark Leviste para hindi sila mahirapan sa permit.

Para mairaos ang isang episode, may mga flashback sila at karamihang eksena ay magkakalayo ang mga artista.

Nakikita namang nag-iingat pero hindi pa rin mawawala ang intimate scenes kagaya ng yakapan nina Coco Martin at Yassi Pressman.

Kung hindi ako nagkamali, nakabalik na sila ng taping pagkatapos  tumigil sandali.

Show ni Alden, sa bahay na lang ang mga contestant

May bagong mapapanood ngayon sa All-Out Sundays. Meron silang ilu-launch na segment na GETS o GMA Entertainment Shows Online.

Dito mapapanood ang online content ng mga programa ng entertainment TV ng GMA 7.

Magiging involve dito ang mga Kapuso stars na bahagi ng mga drama series na matagal na nating ‘di napapanood.

Samantala, pinaghahandaan na pala ngayon ang pagbabalik taping ng Centerstage na hinu-host ni Alden Richards.

Hindi na kailangang lumabas ng bahay ang mga batang contestants na parang sa studio mo sila napapanood.

Nagti-test pa sila ngayon at hopefully masisimulan na nila ito.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with