Hermes ni Regine, hindi pa nabebenta
Ogie
STAR/ File
Hermes ni Regine, hindi pa nabebenta
Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, katsikahan ko kahapon si Ogie Alcasid sa pamamagitan ng Viber app.

Nagtanong ako sa singer/songwriter kung ano na ang update sa Hermes Birkin bag na donation ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid para sa fundraising drive ng OPM (Orga­nisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit).

Finorward na kasi ni Ogie ang bag na ‘yon sa opisina ng OPM at marami na ang nag-i-inquire sa pamamagitan ng pagtawag sa 0917-8158032.

“Ah, hindi ko pa kasi alam, wait tawagan ko si Dinah (taga-OPM),” sey niya at nang balikan niya ako after ilang minutes lang ay sinabing, “Hindi pa nabebenta.”

Pero marami na ring inquiries sa bag na ‘yon sabi ni Ogie, “Sana mabenta siya for P500,000.”

How much ba ang original price no’n?

“Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako ang nagbigay no’n kay Reg,” sabi ni Ogie.

Ilang resellers ang ang tinanong ko tungkol sa Hermes Birkin na ‘yon at marami ang nagsabing puwede ngang mabenta ‘yon ng P500,000 lalo na at kilala naman si Regine na maingat sa bag at mukhang bago pa talaga ‘yon kung ang picture na pinost ni Ogie sa kanyang social media accounts ang pagbabasehan.

“Actually, depende sa condition ng bag. Eh, si Regine, marami naman siyang bags, mukhang hindi masyadong gamit ‘yung pinost nila ni Ogie.

“Saka marami namang mahilig sa pre-loved lalo na galing sa mga celebrity, mada­ling mabebenta ‘yan,” sabi ng isang reseller na katsikahan ko.

Actually, may isang fan si Regine na taga-Japan ang nagpapatanong kung magkano ibibi­gay ng OPM ang bag na ‘yon at willing itong bilhin.

Wow, ang bongga.

Sinabi ko ‘yon kay Ogie at sabi nga niya, nakakatuwa naman dahil talagang maraming singers and musicians na kailangang matulungan dahil wala ngang income ang mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Nabanggit ko nga pala kay Ogie na maraming natutuwa sa ginawa ni Regine na i-donate ang Hermes Birkin bag nito. “Generous talaga ‘yan (Regine),” sey ni Ogie.

Ang toys naman na dinonate ni Ogie sa fundraising drive nila na galing sa collections niya ay may batch 3, 4 and 5 pa raw.

Lovi, Tom, Winwyn at Teresa, naghahanda sa bagong show

Ang Zoom app meeting nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, ng humahawak sa kanilang mga career at ng ibang mga taga-GMA 7.

Para sa taping ng isang new Kapuso show ‘yon, pero bawal pa raw magbigay ng detalye.

Basta exciting daw ‘yon!

Marami namang “nilulutong” new shows ang Siyete lalo na ngayong wala pa ring vaccine sa COVID-19.

Albie, abala sa ‘Magic’ na pelikula

Nagsu-shooting ngayon ang hunk actor na si Albie Casiño ng pelikulang Got 2 Bilibid Magic.

Bale naka-lock-in daw ang shooting ng pelikulang ‘yon at ma­tindi ang pagsunod ng production sa health and safety protocols na new normal na ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sabi ng kausap ko, malamang daw na matapos ang project na ‘yon in three weeks.

At least, marami na ring showbiz works ang tuloy-tuloy na rin ang production, kaya naman kahit paano ay may kinikita na ang ibang mga artista at production people!

‘Yun na!

OPM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with