Grab driver, malaki ang naitulong kay John
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

Ngayon, nakakatuwa na marami ang nagpadala ng tulong sa kanya.

Pero bongga si Papa Raffy Tulfo na P100K agad ang inabot na tulong.

Nakakaawa naman talaga ang pag-iyak ni John na talagang kahit sino ang makarinig at makakita, talagang tatamaan.

At wala na nga sigurong pinakakawawa sa lahat kundi ang isang tao na iniwan ng pamilya dahil nahirapang alagaan.

Kahit paano makakatiyak na si John na alam na ng publiko ang kalagayan niya kaya patuloy na siyang makakatanggap ng tulong.

Maraming salamat sa rider na iyon na nagbigay ng panahon sa kanya at sinigurong maayos siya bago iniwan kaya ngayon ay natutulu­ngan siya ng mga kasamahan sa showbiz.

Konting oras lang, malaki ang naging pakinabang, what a good Samaritan.

Newscasters, umaariba sa pandemic

Ang ganda ngayon ng career ng radio announcers at newscas­ters.

Mula pa noong March nang mag-umpisa ang lockdown, sila na talaga ang pinapanood at pinakikinggan ng mga tao. Makikita mo ang tiwala sa kanila ng tao, ‘yung credibility nila na talagang siyang hinabol ng mga manonood.

Superstar bigla sina Mike Enriquez, Noli Boy de Castro, Ted Failon, Vicky Morales at Bernadette Sembrano. Sa radio naman, sina Ka Tunying , Gerry Baja, Joel Zobel, Arnold Clavio.

Talagang bugbog sa news ang tao ng halos apat o limang buwan dahil nga sa mga balitang tungkol sa COVID-19.

Sina Deo Macalma ng DZRH halos 24 oras ang feed mula sa Department of Health. Talagang shi­ning silang lahat ng panahon ng pandemic.

Doble ingat…

Pag bumalik ang traffic sa Edsa, Salve, ibig sabihin hayun na, feeling normal na naman ang lahat. Sana naman maisip ng tao na hindi pa flattened ang curve, hayan at ma­tindi pa rin ang COVID-19, huwag magmadali.

Sana nga ay medyo bumaba na ang cases para magsimula na ang trabaho sa showbiz, kasi nga kahit na heto at naka-lock in, nagkakaroon pa rin ng mga biktima. Kaya nga binago na naman ang health protocols, mas hinigpitan, pero hindi pa rin assurance na hindi magkakaroon ng biktima.

Sobra ang tapang ng COVID-19 na lahat na nga ng pag-iingat ay ginagawa, hayun at meron pa rin.  Ingat ­ingat pa rin, lahat gusto ng magtrabaho, pero siyempre dapat pa ring mag-ingat.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with