Kris Aquino
STAR/File
Kris, parang nakawala sa aquarium
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2020 - 12:00am

Katuwa naman na at home na at home na agad si Kris Aquino sa TV5, Salve.

At maganda iyon idea na magsama sila ni Raffy Tulfo, perfect combination iyon machismo at pagka-kikay nilang dalawa.

Mukhang isda na nakawala sa aquarium si Kris na agad naka-adapt sa bago niyang bahay.

Exciting talaga na makita ang turn-out ng bago niyang show, at sana nga sa unang salvo pa lang iyon combination na nila ni Raffy Tulfo ang mapanood agad.

Welcome back in front of the camera Kris Aquino, show them again how to talk and host. Bongga.

Mga nagbalik-probinsya, inaasahang magiging kuntento na

Sana naman iyon mga pinaghirapan na mapauwi sa kani-kanilang probinsiya ay makakita na ng magandang buhay dun para hindi na bumalik ng Maynila. Sabi nila hirap na sila sa buhay dito kaya mas gusto na nila na mag-stay na sa kanilang mga probinsiya na mas mura ang pamumuhay at simple lang ang mga pangangailangan.

Ang dami nang pinauwi, talagang ginawa ng gobyerno ang lahat para matulungan silang makauwi, by land, by sea, by air. At iyon hirap nila sa paghihintay para makasakay, natutulog sila sa ilalim ng underpass, sa labas ng building, sa Rizal Memorial, sa Grandstand, sa kalye, ulan at araw hindi nila ininda. Mabuti na lang at maraming nagbigay ng pagkain sa kanila, may nag-aabot ng konting pera, dinala sila sa mga kampo ng militar at police para hindi mahirapan sa kalye.

Akala mo nga hindi na matatapos, dahil araw-araw dumarami sila, kung saan-saan nanggagaling. Ngayon dasal na lang natin maging maayos ang buhay nila sa probinsiya, nasubukan na nila ang buhay sa siyudad.
Sana naman kung naging bigo sila rito, magtagumpay na sila sa pag-uwi nila. Fighting.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with