Vic Sotto
STAR/File
Eat Bulaga tutulungang makapag-exam ang aspiring frontliners
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2020 - 12:00am

Papasok na sa 42nd year ang Eat Bulaga at tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga patuloy na tumututok sa kanila.

Ipinakilala nila ang isang Tigwahanon-Manobo ng Bukidnon na si Joeffrey Solin-ay Mambucon na tinatawag nilang si Otit.

Magpu-post graduate internship na siya at nakatakda na siyang kumuha ng board exam next year.

Inspiring ang kuwento nitong Otit na isang miyembro ng cultural minorities. “Sa gitna ng pandemyang ating hinaharap, nakita natin na ang isang mahalagang pangangailangan ng bansa ngayon... kaya minabuti naming unahin munang tugunan ang pangangailangang ito,” pahayag ni Bossing Vic pagkatapos sa 41st anniversary celebration nila nung nakaraang Huwebes, July 30.

Si Otit ay tinutulungan nila hanggang sa makakuha ng Medical Board Exam.

Ani Bossing Vic : “Ngayong New Normal, ang EBest scholars na aming sasamahang itawid ang pag-aaral ay ang mga nangangarap maging doktor at nars, na nasa huling hakbang na bago sila maging ganap na frontliners.

“Kumbaga, sila ‘yung mga board exam na lang ang kulang at pwede nang mag-practice. Kumbaga, ilang tumbling na lang, pwede nang manggamot sa mga hospital at sa mga kani-kanilang barangay at baryo.

“Nakita kasi natin na marami pa sa kanila ang nahihirapan sa pag-aaral. ‘Yung kunwari, bayad sa review center, panggastos pang-araw-araw, mga baon. At ‘yung bayad pa sa board exam.”

Virtual celebration lang ang kanilang anibersaryo na kung saan naka-Zoom din sina Joey de Leon at Sen. Tito Sotto.

Pahayag ni Tito Joey : “Akala namin, nagawa na namin lahat. Meron pa palang first, ito iyung first sa new normal. Patawarin N’yo po kami, Diyos ko. Nauna pa kami sa second coming, hehehe!

“Di bale, mga kaibigan, anniversary natin sa new normal, parang book two natin ng Eat Bulaga. At least, kahit naka-video call, nagkikita-kita tayo. Ang mahalaga ay napapanatili nating malakas at malusog ang ating pangangatawan.”

Sabi naman ni Tito Sen; “Kung hindi ninyo naitatanong, July 30 is the International Day of Friendship, according to United Nations.

“Pero dito sa atin, araw ng mga Dabarkads, araw para magpapasalamat. Kasama natin ang mga dabarkads all over the world.”

Touching ang mga ipinu-post ng nga Dabarkads sa kanilang Instagram account at meron din silang kuwento sa kanilang pagiging dabarkads ng longest-running noontime-variety show.

John hinahanapan ng mga panggastos

Tuluy-tuloy ang dating ng mga tulong kay John Regala.

Inayos nina FDCP Chairperson Liza Diño kasama sina Nadia Montenegro at Tita Aster Amoyo ang mga dapat asikasuhin sa actor nung isang araw.  Malala na nga ang kanyang karamdaman na Cirrhosis of the Liver, kaya marami siyang kailangan para sa maintenance ng kanyang gamot.

Kaya sinimulan na nina Tita Aster at Nadia ang online fund­raising para kay John.

Text sa akin ni Tita Tita Aster; “Nadia and I (joint account) opened an account sa BDO with account number 002030228830.

“Si Nadia ang may hawak ng passbook at breakdown ng donations. Nag-joint account para lang may check and balance.”

Kaya sa mga gustong magparating ng tulong, puwedeng i-deposite sa BDO account na nabanggit.

Hirap na raw kasing lumakad si John kaya hirap din siyang mag-asikaso nito sa bangko. Kaya mabuti na ring merong nag-aasikaso nito para sa kanya.

“Mag-isa lang ngayon si John at walang kasama sa bahay. Hinahanapan namin ng male alalay na marunong sanang mag-drive para may kasama siya sa bahay.

“Wala na kasi siyang nakakain na solid food kaya kailangan niya ng IV fluid at least twice a week.

“May nakuha na kaming doctor na gagawa nito plus check-ups on a minimal fee.

“Lahat ng kinakain niya ay sinusuka niya na may kasamang dugo,” dagdag niyang text sa akin.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang dating ng tulong sa kanya. Kaya tingin ko kakayanin ang mga gastos para sa kanyang pagpapagamot at pang-araw-araw na pangangailangan.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with