Lovi Poe
STAR/File
Latay ni Lovi, tuloy ang European premiere
YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2020 - 12:00am

Sa Monday, 8:45 pm ang European premiere sa Asian Film Festival sa Rome, Italy ng pelikulang Latay na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Allen Dizon.

Actually, dapat ay noon pa naganap ang nasabing filmfest, pero dahil sa COVID-19 pandemic, ngayon pa lang nagsisimula ‘yon.

Noong una raw ay nag-commit si Lovi sa producers ng Latay para sa nasabing filmfest pero dahil nga sa pandemic ay imposible namang makapunta doon ang Kapuso actress, huh!

Kat De Castro papalitan ng komedyante sa IBC

Tama ba ang tsika ng source ko na isang comedian ang inaasahang maa-appoint bilang board member ng IBC-13?

May revamp sa management ng Trese dahil wala na si Kat de Castro bilang big boss nila at nasa PTV-4 na ito.

Sa ngayon, consultant pa raw naman ang anak ni former Vice President Noli de Castro.

May inaayos daw na shows na papasok sa kanila at aayusin ang kanilang transmitter.

“Palalakasin ‘yon!” sabi ng source ko.

Kapag ok na raw ang transmitter nila, magtatanggap na rin  daw sila ng blocktimers.

So, mabubuhay na kaya talaga ang IBC-13?

Well…

Ruffa pinasaya ang kanyang mommy

Alam mo, Ateng Salve, ang nice rin kapag hindi nag-aaway ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez, huh!

Dahil naka-lockdown nga ang beauty niya sa bahay, hindi maiwasang nasa-sad si Bisaya.

Noong isang araw, naglambing daw siya sa kanyang panganay na anak.

“Sabi ko kay Ruffa, padalhan naman niya ako ng dekorasyon sa bahay na colorful, para maging masaya naman ang paligid ko.

“Nag-order naman siya ng colorful balloons. Ang gaganda. Very colorful,” sey ni Bisaya.

“We love you Mom” daw ang nakalagay sa balloons na cute na cute si Bisaya.

“Sumaya naman ako. Hindi na ako nabo-bore kapag pinagmamasdan ko ang padalang ‘yon ni Ruffa.

“Ang cute pa dahil may balloons bouquet pa. Sumaya naman ang beauty ko,” sey ni Bisaya.

Of course, huwag lang mababanggit ang love life ni Ruffa at hindi mababago ang happiness ni Bisaya, huh!

Alden may bagong vitamins

Ang revelation kahapon na si Alden Richards na ang bagong endorser ng CosmoCee.

Last week nag-shoot para sa CosmoCee endorsement si Alden.

Inaayos na rin ang para sa digital presscon ni Alden at invited kayo ni Manay Lolit doon, Ateng Salve.

Pero, kaya bang mag-digital presscon ni Manay Lolit? Hahaha!

Anyway, masaya ang mga negosyanteng sina Niño Bautista at Red Gatus dahil magaan daw katrabaho ang Kapuso actor.

Noong mag-shoot daw sila, wala silang naging problema kay Alden at sa management team ng binata.

Puring-puri nila si Alden at napakarami raw nilang mga plano ngayong ito na ang endorser ng kanilang vitamin C brand.

Ang bongga! ‘Yun na!

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with