Mayor Joy Belmonte
STAR/ File
Mayor Joy mabilis ang action plan
TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2020 - 12:00am

Gusto ko ‘yung paghihigpit na ginagawa ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City. Talagang mahigpit sa paggamit ng face mask, ang curfew sa ilang lugar at ‘yung contact tracing. Isali mo pa doon ang paggamit sa ilang hotels ng QC para maging quarantine area para sa mga positive sa COVID-19.

Ang bilis ng action plan niya dahil nga sa sobrang pagdami ng mga nag-positive sa coronavirus.

Ang hirap talaga maging nanay ng lungsod dahil ang dami mong aalagaan, ‘yung iba masunurin, ‘yung iba naman pasaway talaga.

Hindi nga ba sa sobrang sipag pati si Mayor Joy naging positive sa COVID-19.

Hay naku, at kahit ano pa ang gawin sa trabaho, meron pa ring kulang na nakikita sa iyo kaya basta ang formula ni Mayor Joy, trabaho na lang ang harapin, huwag na pansinin ang mga kritiko na hindi tumitigil sa paghahanap ng mali. Basta work lang nang work. Iyan ang mayor namin sa Quezon City.

Dami ring libre...

Suwerte na naman ni Gorgy Rula. Kasi nagbigay na naman ng libre na  anti flu/pneumonia ang City of Makati ni Mayor Abby Binay.

Bongga talaga ang serbisyo ng Makati sa mga nakatira sa kanila ha, ang daming libre. Kaya very proud si Gorgy dahil talagang feeling safe at alagang-alaga siya sa rami ng privileges na nakukuha niya bilang resident.

Cong. Alfred, nag-social media detox

Siguro naman naka-recover na sa kanyang ‘shock’ kaya nag-goodbye muna for a while sa cellphone at social media si Cong. Alfred Vargas, Salve.

Nag-detox siya for a while dahil nga hindi niya na kinaya ‘yung overacting na comments ng iba.

Iyan nga ang sinasabi ko sa mga hindi makaya ang bashing, dapat talaga you see it as it is, basura na hindi dapat pinag-aaksayahan ng emosyon.

‘Yung iba na maayos naman ang puna, ok, take it as constructive, pero ‘yung iba bordering na sa pagmumura at know it all ang dating pero wala namang substance, at kitang-kita mo na hindi na-comprehend ang issue, throw it away as trash.

Naku, bakit ka magpapaapekto sa isang tao na hindi mo kilala, walang career at tambay lang sa IG mo pero parang close sa iyo ang feeling, is he worth your time? Cong. Alfred Vargas is one of the sweetest, respectful and trustworthy person I know, kaya I will stand by him no matter what.

Stand tall Alfred, you are and always be on the right track. Salute.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with