_ngayon
^

Bright Vachirawit, inawit ang OPM theme song ng Still 2gether

(Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2020 - 12:00am

Tuloy-tuloy ang BrightWin fever sa bansa dahil mapapanood na ng Pinoy fans ang Still 2gether, ang sequel ng hit Thai series na 2gether, sa iWant ngayong Agosto 14 kasabay ng pag-ere nito sa Thailand.

Ipapalabas sa iWant ang Tagalized episodes ng Still 2gether tuwing Biyernes, 10:30 p.m. sa Pilipinas habang umeere rin ito sa Thailand. Mapapanood din ang episodes sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel tuwing Sabado, 10 p.m. pagkatapos ng MMK simula Agosto 15.

Abangan naman ang music video premiere ng  With A Smile ni Bright Vachirawit ngayong Biyernes (Hulyo 31), 3 PM na mapapanood sa YouTube channel ng Star Music PH at official Facebook pages ng Star Music, Dreamscape, iWant, at ABS-CBN Entertainment.

Matinding excitement na ang ipinahayag ng fans sa teaser ng OPM cover ni Bright, na isa ring musikero at nakapag-record na ng mga kanta para sa sountrack ng serye. Sa 2gether, isa rin siyang bandista na kumakanta at tumutugtog ng gitara.

David Licauco, negosyante na rin

May bagong handog ang Chinito Heartthrob na si David Licauco sa mga gustong magkaroon ng healthy lifestyle at life-changing mindset lalo na ngayong may kinakaharap tayong krisis.

Ito ay ang ‘As Nature Intended’ (asnatureintended.ph), isang online one-stop shop para sa holistic lifestyle. Mayroon itong ino-offer na iba’t ibang brand ng guilt-free na pagkain, skincare products, nutraceuticals/sports supplements, workout/athletic gear, at wine.

Paliwanag ni David, “We established ‘As Nature Intended’ as a one-stop shop for everything healthy. We wanted to start a community that debunks the misconception that healthy living as a very intimidating concept. We want to promote the perspective that being healthy shouldn’t hurt our wallets and bank accounts.”

Kuwento pa ni David, inspired ang kanyang bagong business venture sa kaniyang hilig sa pangangalaga sa kalusugan at pagwo-workout. “At its core, it really stemmed from my passion for health and working out, and helping people achieve a healthier lifestyle, starting with my family and circle of friends.”

Para sa karagdagang detalye sa bagong business ni David, bisitahin lang ang www.asnatureintended.ph.

OPM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with