^
'Malala na': John Regala inaming may liver cirrhosis, umapela ng tulong
Makikita sa litrato ni John Regala (kaliwa) matapos tulungan ng isang deliveryman bunsod ng panghihina sa Lungsod ng Pasay. Mapapansin naman ang nakaturok na dextrose sa braso ng aktor (kanan).).
Mula sa Facebook nina Carlo Marti Clariza at BemEdz Santillan Torres

'Malala na': John Regala inaming may liver cirrhosis, umapela ng tulong

James Relativo (Philstar.com) - July 29, 2020 - 7:54pm

MANILA, Philippines — Nahihiya man, emosyonal na kumatok sa may mabubuting puso ang beteranong aktor na si John Regala bunsod ng iniindang karamdaman.

Lunes kasi nang kumalat ang litrato ni John, 55, matapos saklokohan ng isang Grab Food driver sa Lungsod ng Pasay. Nahilo at nanghina kasi ang aktor habang hinihintay ang isang nurse.

Basahin: Aktor na si John Regala sumama ang lagay, sinaklolohan ng deliveryman sa Pasay

Una nang naibalita na tuturukan sana siya ng gamot para sa sakit na gout. Pero sa panayam ng TeleRadyo, Miyerkules, lumalabas na mas malala pala ang kinakaharap na sakit ng artista.

"Malala na ang aking liver cirrhosis. Sugat-sugat na ang aking atay, at may tubig na ang aking tiyan at kailangang matanggal... 'yon," nabubulol na pagsabi ng beteranong action star kanina.

"Ako po ay nahihiya pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Bawat tao naman po ay dumadaan sa ganitong sitwasyon. Sana po kung hindi naman kalabisan sa inyo, pakitulungan naman po ako. Nagpapakumbaba po ako ng labis labis. Gusto ko lang po talagang makapaghanapbuhay."

Sa parehong panayam, inamin ni Regala na nabangga pa niya ang motorsiklo ni Carlo Clariza, ang driver na tumulong sa kanya noong isang araw, sa dahilang hindi pa siya kumakain nang maayos sa loob ng 13 araw.

Aniya, ito raw ang dahilan kung bakit hilong-hilo siya at nadatnan sa ganoong kondisyon.

"Bihira 'yung ganoong [tumutulong] kaya maraming maraming salamat sa'yo. Tinatanaw kong utang na loob 'yun," dagdag pa niya.

Wika ni Clariza, hindi niya iniwan basta ang aktor nang kanyang mamukhaan hanggang sa asikasuhin ng mga tanod, pulis at health workers.

"[M]asakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon... [K]aya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako'y may deliver pa," sabi ni Clariza.

 

Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may...

Posted by Carlo Marti S. Clariza on Monday, July 27, 2020

 

Ipinaskil din ng netizen na si BemEdz Santillan Torres sa Facebook ang kinasasapitan ng aktor, lalo na't naka-dextrose, hirap maglakad at iniwan na raw ng asawa si Regala.

 

Ito lang way q pra mkatulong! Sa pg share nyu ng pic ni kuya jhon! Sna poh mkarating to sa Raffy Tulfo in...

Posted by BemEdz Santillan Torres on Tuesday, July 28, 2020

 

Ilang personalidad naman na ang nangako ng tulong sa batikang aktor, na matatandaang hinirang na "Best Supporting Actor" sa 2011 Metro Manila Film festival para sa pelikulang "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story."

Ilan diyan ay sina Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong at TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo.

"Sa ngayon po, magpi-pledge ako. Magbibigay ako ng P100,000 at bukod pa ho diyan magbibigay ako ng gamot, groceries para sa’yo. At kung ano pa po maitutulong namin, ibibigay ko pa po," banggit ni Tulfo sa kanyang palatuntunan— may mga ulat mula sa News5

JOHN REGALA LIVER CIRRHOSIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with