^

PSN Showbiz

JC at Aljur nag-aalala na sa mga bayarin, bibida sa mamasapano

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
JC at Aljur nag-aalala na sa mga bayarin, bibida sa mamasapano
JC de Vera at Aljur Abrenica

Parang timing ang pagre-resume ng shooting ng pelikulang Mamasapano starring JC de Vera and Aljur Abrenica. Hango ang kuwento ng pelikula sa malagim na kapalaran ng 44 member ng Special Action Force na namatay five years ago sa isang labanan.

Kahapon ay nagkaroon na ito ng media launching sa pamamagitan ng isang Zoom conference with JC and Aljur with Atty. Ferdie Topacio.

Nakahanda na ang production ni Atty. Topacio sa new normal shooting para maging safe ang lahat. May insurance rin daw lahat ng involve sa shooting at lahat ng health protocols ay kanilang susundin para makaiwas sa pagkahawa ng COVID.

At kesa matakot na mahawa sa ­shooting, mas iniisip ngayon nina JC and Aljur ang mga bayarin nila at ang pamilya.

Parehong galing ng GMA 7 sina JC and Aljur bago sila naging talent ng ABS-CBN kaya ngayon ay apektado sila sa pagbasura sa franchise ng network ng 70 kongresista.

Umaasa ang grupo ni Atty. Topacio, na makakasali sila sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2020. May natitira pang four slots sa MMFF.

Drive-in cinema ng SM, bwena-mano ang sequel ng Train to Busan

Wow, level up ang pagpapalabas sa bansa ng sequel ng 2016 hit film na Train to Busan starting next week, ang Peninsula. Drive-in cinema ang inio-offer ng SM Pampanga starting July 31.

Four hundred pesos per person ang charge nila kasama na raw ang food and drinks. Four persons ang allowed per vehicle.

Wala pang ibang nilalabas na rules kung ilan ang maa-accommodate sa drive in cinema na ito ng SM.

Inaasahang magsusunuran na rin ang iba pang mall operators sa pagsi-set up ng drive-in cinema. ‘Yan nga ay kung mag-aabala ang lahat ngayon na lumabas at gumastos para makapag-relax naman sa kabila pa rin ng paglobo ng COVID cases sa bansa.

Kahapon ay nadagdagan na naman ng 2,103 kaya umabot na sa 76,444 ang total number of positive cases sa Pilipinas.

Anyway, sana nga ay nabuhayan ng loob sa pag-uumpisa ng SM ng drive-in cinema ang mga taga-showbiz na ilang buwan na ring nagkaroon ng anxiety tungkol sa patutunguhan ng kanilang career dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng social distancing para makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus.

Sinasabing ang mga sinehan nga kasi sa mall ang kabilang sa mga huling mag-o-operate habang matindi pa rin ang pag-atake ng virus.

Mistulang ghost area ang mga sinehan ngayon sa mga mall.

Anyway, nauna nang nag-launch ng drive-in cinema ang isang mall sa Dubai.

Chair Liza tsinugi sa MMFF

Habang nag-iisip at nagpaplano pa ang lahat kung paano nga magkakaroon ng trabaho ang mara­ming taga-showbiz, naglabas naman ng statement si Metro Manila Development Authority Chairman Danilo Lim sa pamamagitan ng formal letter na nagsasabing sinisibak nila si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño bilang member ng Executive Committee ng MMFF :

 “You even wrote a letter to Malacañang asking for extension of festival period of MMFF and to transfer chairmanship of MMFF from the undersigned to you. You even directly accused MMFF of being involved in controversies, an institution to which you supposedly belong and as a member of the Executive Committee should be defending. Recent events and information coming to our office indicate that you have not given up on your dream to take over the chairmanship of MMFF and to take it away from MMDA and is actively pursuing the same.
“We honestly believe therefore that your membership in the Executive Committee is no longer tenable as your actions are inimical to MMFF and reek of conflict of interest. We regret not your removal from MMFF but rather that it has come this far. After your first botched attempt to transfer administration of MMFF to you and your office, we were expecting you to resign out of delicadeza. For this reason, we would like to inform you that we have decided to withdraw your appointment as a member of the Executive Committee.”

As of presstime ay wala pang nilalabas na press statement si Chair Liza na in all fairness naman ay nag-effort para buhayin ang movie industry at marami rin namang masasabing ginawa for the industry. Anyway, hintayin nating sumagot siya.

vuukle comment

JC DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with