^

PSN Showbiz

Vice, ‘di pang-bata ang gagawin sa Pasko

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice, âdi pang-bata ang gagawin sa Pasko
Vice

Noong isang linggo ay nailabas na ang listahan ng unang apat na pelikulang makakalahok sa Metro Manila Film Festival 2020 para sa darating na kapaskuhan. Isa rito ay ang Praybeyt Benjamin 3 na muling pagbibidahan ni Vice Ganda.

Ayon naman sa komedyante ay hindi pa niya alam kung paano gagawin ng Star Cinema at Viva Films ang naturang proyekto ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. “Hindi pa lang napa-finalize kung kelan mag-start. Parang plano pa lang, parang iniisip ko pa, hindi ko alam kung paano isu-shoot,” pahayag ni Vice.

Ibang-iba umano ang konsepto ng bagong proyekto kumpara sa mga pelikulang pinagbidahan ni Vice noon. “Hindi siya magiging masyadong pambata this time. ‘Yung   past movies ko puro pambagets talaga eh, ‘di ba fantasy? Since hindi naman pwedeng lumabas ang mga bata papuntang sine, so maia-adjust mo ‘yung concept. Sabi ko nga sa kanila, pwede tayo ng love story. Kasi hindi naman kinakailangang pambata na kailangan super wholesome ‘yung movie. Pero definitely it’s going to be a family movie still,” paliwanag ng Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar.

Samantala, hinahanap-hanap na ni Vice ang dating mga nagagawa sa It’s Showtime na kasama ang mga manonood sa loob mismo ng studio. “The old Showtime in general, doing the show with the live audience. ‘Yung energy ng madlang people sobrang nakaka-miss, ibang klase ‘yon. Hindi kami makapagbugbugan nina Vhong (Navarro), Jhong (Hilario). Nami-miss ko ‘yung naghahabulan kami. Lahat kami physical ‘yung hosting namin na ginagawa. The fun is never the same,” pagtatapat ni Vice.

Hanggang Martes pa mapapanood ang replay episodes ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel. Muling magla-live ang programa simula ngayong Miyerkules.

Bianca at JC, nate-test ang patience

Isang malaking hamon para kay Bianca Gonzalez ang pagiging ina sa dalawang anak nila ni JC Intal na sina Lucia at Carmen. Ayon sa TV host ay malaking-malaki ang kaibahan ngayon ng pagtatrabaho at pag-aalaga sa pamilya dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “The new challenge here sa new normal ay ‘yung boundaries ng trabaho at family time. Iba ‘yung hirap nang nagte-taping tayo sa outside world at iba rin ‘yung hirap dito sa bahay. Malaking blessing rin na hindi ka na sumusuong sa traffic. Ito (work from home) after mo mag-taping embrace mo agad mga anak mo,” paliwanag ni Bianca.

Katulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din daw ng hindi pagkakaunawaan sina Bianca at JC.  “May days na okay na okay. Happiness, love, pero may days rin na nate-test ang patience n’yo sa isa’t isa although normal naman ‘yon,” giit niya.

Maglilimang taong gulang na si Lucia at magdadalawang taong gulang naman si Carmen. Sa murang edad ng mga anak nina Bianca at JC ay nauunawaan na ng mga ito ang krisis na kinakaharap ng bansa. “Ang biggest realization ko talaga parang let your children in on what’s happening. Don’t lie to them how things really are. Kasi even if feeling natin maliit pa sila, there are things that they understand it already,” pagtatapos ng TV host. Reports from JCC

 

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with