^
Alessandra, nakabili ng bahay sa pagiging kontrabida
Alessandra
STAR/ File

Alessandra, nakabili ng bahay sa pagiging kontrabida

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2020 - 12:00am

Pero mapili na ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang pasasalamat ni Alessandra de Rossi dahil minsan nang nakaganap bilang si Valentina na kontrabida ni Darna sa telebisyon.

Matatandaang 2005 nang gawin ng aktres ang ser-yeng pinagbidahan ni Angel Locsin sa GMA.

Muntikan pa raw tanggihan ni Alessandra ang naturang proyekto noon. “Everyone knows naman na ayaw ko gawin ‘yung Valentina from the beginning. Pero kasi when you look back, lalo na nitong pandemic, because of Valentina, nagtuluy-tuloy ‘yung shows ko sa GMA although same role naman over and over, palit lang ng hair. It’s the same role na masama ugali, pumapatay, inggitera or whatever. But nakabili ako ng house. Ten years to pay. As soon as I paid the house in full, tapos na ako sa TV, ayaw ko na. How can you regret that part kung nabigyan ka niya nang wala kang monthly rent during pandemic. Salamat pa rin at nangyari siya. Gusto ko lagi good vibes sana and maganda ‘yung message ng character, maganda ‘yung message ng story. Kasi ‘yon na lang ang iiwan mo kapag namatay ka. So gusto mo okay. But because of Valentina, may bahay ako. Okay na ‘yon,” pagbabahagi ni Alessandra sa Monster Radio 93.1.

Iba’t ibang klaseng karakter at tema ng proyekto na ang nagawa ng aktres sa mahigit dalawang dekada niyang aktibo sa show business.

Mapili ang dalaga sa mga proyekto kaya ibinibigay ang lahat ng kanyang makakaya sa tuwing mayroong ginagawa. “Dedicated ako only because gusto ko ‘yung ginagawa ko. ‘Yung iba kasi basta project, blessing iyan, work iyan. Okay ako sa gano’ng point of view. Pero ako kasi, kung hindi ko talaga type ‘yung story or feeling ko walang matutulong sa world or sa filmography ko, huwag na na-ting gawin. Kung hindi lang din ako dedicated diyan, matutulog na lang ako sa house,” makahulugang paliwanag ng aktres.

Jayda, tuloy ang career kahit nagsara ang ABS-CBN

Proud na proud si Dingdong Avanzado para sa nag-iisang anak nila ni Jessa Zaragoza na si Jayda. Unti-unti nang nakikilala ang dalaga ngayon dahil sa pagkanta at hilig nito sa pagsusulat ng mga kanta. “Jayda has developed her own style of singing and songwriting. But I would say she got a little from both of us. But she is more advanced than us when we were at her age. She started writing when she was 12 years old, ako 18 na when I wrote my first song,” paglalahad ni Dingdong.

Kahit nagsara na ang ABS-CBN ay itutuloy pa rin umano ni Jayda ang mga nasimulang gawin ayon kay Dingdong. “Nakapag-meeting na kami with Star Music and Star Magic and so far tuloy ang plans for Jayda. In fact she will be releasing her newest single by the end of July. Excited nga kaming lahat kasi we feel that people are looking for something positive and uplifting. Hopefully her music can be the medium for that kind of message,” pahayag ng singer. (Reports from JCC)

ALESSANDRA DE ROSSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with