Enrique mas mahilig mag-i love you
Enrique Gil at Liza Soberano
Enrique mas mahilig mag-i love you
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2020 - 12:00am

Sumabak na rin si Liza Soberano sa paggawa ng video blogs sa sarili nitong YouTube channel. Nakapag-upload na ang aktres ng kanyang kauna-unahang vlog sa Life with Liza na nagsimula noong Sabado. Ngayon ay mayroon nang mahigit 100,000 subscribers ang dalaga sa naturang YouTube channel. Sa unang video ay sinagot ni Liza ang mga katanungan mula sa kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Liza ay mas madalas umanong magsabi ng ‘I love you’ ang kasintahang si Enrique Gil kapag nagkakausap sila. “I would say me, it’s really Quen. He’s more showy and more affectionate than I am. But he knows that I love him. And more of the type of person that shows my love through my actions not through words, which sometimes can be a lot more ­meaningful,” nakangiting pahayag ni Liza.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makasama ng aktres si Enrique upang makagawa ng isang masayang video blog. “My dream content with Quen would definitely have to be a K Pop reaction video or a dance video. I know a lot of our Liz-Quen supporters have been asking for Quen’s dance video on his vlog. I would be happy if he’ll do it on my vlog as well because I’ve been taking dance class with the G-Force. I think Quen is joining in, I think one of these days, doing workshops, dancing K Pop,” pagbabahagi ni Liza.

Yassi, umaasang babalik ang ABS-CBN

Nakikidalamhati si Yassi Pressman para sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Kapa­milya network. Matatandaang hindi pumabor ang karamihan sa Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN pagkatapos ng 12 pagdinig. Dahil dito ay nagkaroon na ng retrenchment o tanggalan ng empleyado ang istasyon.

Naglabas si Yassi ng kanyang saloobin sa Instagram noong Linggo ng gabi tungkol sa pangyayari.

“Paano na kami? Pero mas… Paano na sila? ‘Yan ang tanong na ulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko matapos na­ming lahat mapanood ang pagpatay sa network namin. Umiiyak kaming lahat, nag-aalala kaming lahat, nawalan kaming lahat… Hindi man ako makapunta kagabi, sa dasal, sa puso at sa isip ko kasama ko po kayo. Sana may pagkakataon pa… kasi po, paano naman sila? #ibalikangabscbn” post ni Yassi.

Kasalukuyang abala ang aktres sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano na patuloy pa ring umeere sa Kapamilya Channel. Umaasa si Yassi na muling makababalik ang ABS-CBN sa operasyon upang makapaglingkod sa mga Pilipino saan man sa mundo.  (Reports from JCC) 

ENRIQUE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with