^

PSN Showbiz

Anne sinagot si Sen. Koko, Angel palaban kay Villafuerte

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne sinagot si Sen. Koko, Angel palaban kay Villafuerte
Anne

Sumagot si Anne Curtis sa ‘baseless case’ statement ni Sen. Koko Pimentel matapos ang recent deve­lopments sa paglabag ng senador sa COVID-19 quarantine protocols last March nang samahan ang misis niyang manganganak noon.

Tweet ni Anne kahapon : “I understand excited siya sa baby niya, BUT he was waiting for the result of his test. Going to the hospital not ­knowing if he’s positive or not for covid-19 was reckless & irresponsible - putting lives at risk. Imagine babies with low immune systems pa. It is not a “baseless case.”

Super relate si Anne dahil four months pa lang ang baby nila ni Erwan Heussaff at ramdam niya siyempre ang pinagdaanan ng mga inang nag-worry dahil sa ginawa ni Sen. Koko.

Maalalang sinubpoena ang senador ng Department of Justice noong April matapos ngang magdagsaan ang reklamo nang pumunta siya ng Makati Medical Center nung March 25 eh hindi pa lumalabas ang result ng COVID test niya that time at supposedly ay naka-quarantine pa ito.

Nag-positive noon ang senador.

Lucky him dahil hindi nahawa ng coronavirus ang misis at baby niya.

Samantala, hindi rin pinalampas ni Angel Locsin ang dialogue ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na ibenta na lang ang ABS-CBN kung talagang mahal ng may-ari nito ang kanilang mga empleyado nang makausap ito ni Karen Davila sa kanyang programa sa ANC. “Bottomline, my suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation. If they really love the 11,000 employees or more and they really want to serve the Filipino people, ibenta na lang iyong kumpanya.”

Buwelta ni Angel, “Ito po ba ang plano eversince? Palitan ang management para sa ‘iba’ mapunta? Sana hindi nangyari ang lahat ng ito in favor sa cronies at para sa ‘media propaganda’ ng mga gustong manlinlang sa taong bayan.

“Marami pong nakabantay. Ako’y umaasang gagawin natin kung ano pong makakabuti para sa bayan at hindi  sa mga personal na agenda.”

Nauna nang sinabi ng insider ng ABS-CBN na wala itong planong ibenta ng mga may-ari.

Pero marami na diumanong nakapila sa iiwang frequency nito dahil nga sa hindi pagkaka-renew ng franchise ng giant network.

Samantala, isang motorcade / noise barrage ang ginanap ng Kapamilya stars, employees and fans kahapon para iparamdam ang sama ng loob sa hindi pagbibigay ng franchise ng 70 congressman sa kanila.

Ang mga hindi naman kasali ay nagkaroon ng candle light protest sa kani-kanilang mga tahanan.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with