^

PSN Showbiz

Maris, umaasang makakapagtrabaho pa rin

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, umaasang makakapagtrabaho pa rin
Maris

Labis na ikinalungkot ni Maris Racal ang naging desisyon ng Kongreso na hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN. Nasubaybayan daw ng dalaga ang mga nakaraang pagdinig sa Kongreso. “Dis­appointment, frustration. Kasi hindi mo maintindihan kung bakit gano’n ‘yung resulta siyempre sa buong 12 ­hearings po parang nag-expect ka na papakinggan nila tayo. So nagulat po talaga ako,” bungad ni Maris.

Umaasa pa rin ang dalaga na muling mabibigyan ng pagkakataon ang Kapamilya network na makapaglingkod sa mga Pilipino lalo na ngayong kinakaharap pa rin ang krisis sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “I’m still hoping na sana mabigyan pa tayo nang pagkakataon kasi pandemic po ngayon. Importante po na may trabaho ang mga tao,” giit ng aktres.

K, ipinagmalaki ang anak

Sa pamamagitan ng isang video blog ay ipinaalam sa publiko ni K Brosas na lesbian ang nag-iisang anak na si Crystal. Kasama rin ng singer-comedian ang anak sa naturang vlog. “I’m lesbian, I’m gay, yes, out and proud,” pagtatapat ni Crystal.

Ayon kay K ay matagal na rin niyang alam ang tungkol sa anak. Katatapos pa lamang magdiwang ni K ng kaarawan noong July 15 at naisip na ito na ang tamang panahon na ipaalam sa publiko ang tungkol kay Crystal. “Sa mga nagtatanong, matagal ko na pong alam. High school pa lang (si Crystal) alam ko na. Wala akong galit, wala akong bwisit, tinanggap ko. Sabi ko anak, kahit ano ka pa, kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita. Unconditional love bilang magulang eh. Nag-iisang anak ko ito eh, kung anong gusto niya, susuportahan ko.

“So matagal ko pong alam ito bilang ina. Tinanong ko siya nitong birthday ko, sabi ko anak, ‘Gusto mong mag-out?’ Umiyak siya, sabi niya, ‘Oo.’ Tinanong ko siya kung, ‘Gusto mo bang mangga­ling sa akin?’ para wala ng echos-echos. Sabi niya, ‘Oo.’ Tinanong ko siya kung gusto niya itong gawin live. Kasi alam ko may ilan sa inyo na babalik sa akin, even family ko. ‘Meron kang maling ginawa kaya ganyan ang anak mo.’ Pero mas importante ang kaligayahan ng anak ko eh. Ito ang gusto niya. I love my daughter, alam ko na po ito years ago, uulit-ulitin ko. Maganda ang relationship namin, itinago lang namin ito, sabi ko kailangan lang ng right ti­ming,” emosyonal na pahayag ni K.

Mayroong mensahe ang singer-comedian sa ibang mga magulang na hindi matanggap ang anak na miyembro din ng LGBTQIA+ community. “Ang sexual preference ng anak ko, walang kinalaman sa pagmamahal ko sa kanya. Para sa mga (magulang) na isinusumpa ang anak nila, hindi, kung anak mo ‘yan, unconditional ‘yan. I’m very proud sa anak ko, nagtatrabaho siya ngayon, napaka-talented. I’m just supporting kung ano man ang gusto niyang gawin. Please, sa mga parents na nagtatakwil sa mga anak nila dahil hindi nila kaya (tanggapin) na bakla o tomboy or whatsoever ang anak nila. Maawa naman po kayo sa mga anak n’yo,” pagtatapos niya.  (Reports from JCC)

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with