Aktor buking ng rider na may kalandiang lalaki sa bahay

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2020 - 12:00am

Kailangang nag-iingat sa kanilang mga kilos ang mga artista lalo na ang mga kilalang-kilalang persona­lidad. Konting galaw lang nila ay puwede nang bigyan ng kakaibang interpretasyon ng mga nakakakita sa kanila.

Nakatira ang isang kilalang male personality sa isang subdivision. Natural, dahil lockdown nga nu’n, umoorder siya ng pagkain at iba pa niyang mga pangangailangan online.

Hindi siya maarte, inilalagay niya ang kanyang pangalan, mas pabor pa nga sa kanya ‘yun dahil napapabilis ang delivery ng kanyang mga binibili.

Kuwento ng aming source, “Umorder siya ng food, good for two people ang inorder niya, agaran namang idineliber ‘yun ng kanyang tinawagan.

“Pagdating ng delivery man, nandu’n na siya agad sa may pintuan ng kanyang house, halatadong Tom Jones (read: gutom) na ang male personality na parang bagong gising lang.

“Nakita siya agad ng nagdeliber, starstruck pa nga sa kanya, hindi lang nagpahalata. Pero may napansin ang delivery man. May lalaki sa likuran ng male personality, matangkad at guwapo, minamasa-masahe siya nu’ng guy.

“Halatadong namang gustung-gusto ng male personality ang ginagawa sa kanya nu’ng guy, nagtutudyuhan pa nga sila at masayang-masaya.

“Walang alam ang delivery man sa mga kuwentong-showbiz, hindi niya alam na matagal nang may mga kumukuwestiyon sa gender ng kilalang male personality, kaya balewala lang sa kanya ang nakita niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Natural lang na nagkakakuwentuhan ang mga delivery boys at ang mga staff ng kanilang restaurant. Nagkuwento ang delivery man. Nagulantang ang mga kausap nito.

“Mas nagulat ang delivery man sa mga narinig niya, kasi, harap-harapan niyang nakita ang parang paglalambingan ng dalawang lalaki. Oo nga, parang totoo nga ang kuwento!

“Kaya ang mga sikat na artista d’yan, lalo na ang mga pinagdududahan ang gender, kailangang ng-iingat sila sa mga galaw nila. Kahit kaibigan lang naman ng male personality ang lalaking ‘yun, e, puwede silang pagpistahan!

“Naku, sometimes talaga, nakakalimot sila. Sometimes talaga, padalus-dalos sila gumalaw! ‘Yun lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bukod sa ‘nasunog’ na bahay, sharon ramdam na pinatay ang kinabukasan ng kapamilya

Literal na ghost month ang buwan ng Agosto para sa mga artista at empleyado ng ABS-CBN dahil implementasyon na ng pagtatanggalan ng network sa kanilang mga kapamilya.

Ramdam namin nang malayuan ang emosyon nila ngayon. Walang pamimilian ang mga ehe­kutibo ng istasyon kundi ang magtanggal na ng kanilang mga empleyado dahil sa pagkabigo nilang makakuha ng prangkisa sa pagsahimpapawid.

Ang sakit-sakit nu’n. Dumaan kami sa ganu’ng sitwasyon nang mapilitan kaming isarado na ang aming publikasyon dahil sa masalimuot na sitwasyong hindi na namin kayang kontrolin.

Mahigit na isang dekada lang ang itinagal ng aming kumpanya, pero ang sakit naming naramdaman ay higit pa sa panghabambuhay, napamahal na sa amin ang mga manunulat at kolumnista at ang aming mga empleyado at ang aming mga produkto.

Paano pa ang isang kumpanyang katulad ng ABS-CBN na limampung dekada nang sumasahimpapawid at nakaagapay na ang ating bayan sa kanilang pagseserbisyo?

Sagad hanggang buto ang sakit na alam naming nararamdaman ngayon ng pamunuan ng ABS-CBN, lalo na’t sa kanilang pakiramdam ay hindi sila nabigyan ng hustisya, kundi napagkaisahan sila sa Kamara.

Sabi nga ni Sharon Cuneta ay hindi lang sinunog ang kanilang tahanan, pinatay pa ang kinabukasan ng mga artista ng network, lalo na ang kabuhayan ng libu-libo nilang mga kasamahang manggagawa.

Komento ni prop, “Lumabas din ang totoo, may naglabas ng unedited speech ni PRRD sa Jolo. Binanggit niya ang ABS-CBN sa speech niya. Idinedenay pa ng Palasyo nu’ng una, pero lumabas din ang katotohanan.

“Without Martial Law, nakaya raw niyang supilin ang mga oligarchs na nagpapahirap sa ating bayan na hindi nagbabayad ng tamang buwis at nagpapairal ng kapangyarihan,” pahayag ni prop.

Natutukan din namin ang talumpati ni PRRD, nakakalungkot lang isipin na sa pangyayaring ito ay nadamay ang libu-libong empleyado ng istasyon na balot ng kalungkutan at pag-aalala ngayon para sa kanilang kinabukasan, pati ang mga personalidad na pinagdamutan din ng trabaho na namamana sa dilim ngayon.

Napakasakit ng tama sa amin ng mga blangkong tingin ng mga dati naming katrabaho sa network. Hindi birong mawalan ng trabaho lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Hindi birong problema ang kinakaharap nila ngayon. Huwag sana silang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang sa paniniwala na isang araw ay may darating ding oportunidad para sa kanila. Kung kinaya ng iba ay kakayanin din nila.

AKTOR KAPAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with