Sharon
Sharon, binawalan ang sariling sumuko
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Naka-off ang comment box ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account kaya hindi makapag-opinion ang kanyang followers nang mag-react sa nag-trending na #OustKiko.

Enough is enough nga ang pa-hashtag ni Sharon na in all fairness ay may post ding ‘puwedeng mapagod, bawal sumuko.’

Sunud-sunod kasi ang isyung kinasasangkutan ni Mega. At kahapon nga, ay ang issue sa husband niyang si Sen. Kiko ang sinagot ng mommy nila KC.

“So now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po - I have to stand up for what is right - especially if it involves someone I love. Matagal ko na pinalampas ang mga pamimintas at masasakit na salita laban sa asawa ko, pero hindi na po kaya ng pamilya namin. Lalo na ng mga anak naming wala namang malay at di hiniling na dito sa pamilya namin sila isilang. I wonder who’ll be next? Going too far. So sad. O, Pilipinas naming mahal...ano na ang ginagawa sa iyo...Dear God, You are alive, You see all, You know all. We trust only in YOU. Kalma lang. Nandyan ang Panginoon. At KAMI, NANANALIG SA KANIYA. Bilog ang mundo. At mapalad ang inaapi. God bless us all. #enoughisenough.”

Pero sa Twitter naman ay puwede siyang mahagilap, so doon nagdadagsaan ang followers niya na nanghihingi rin ng tulong.

Diumano ay gustong patalsikin bilang Chairman ng Senate Constitutional Amendments Committee si Sen. Kiko para maamyendahan ang konstitusyon at mapalitan ang form of government natin to Federalism na itinanggi naman ng kabilang kampo.

Well, hindi nga nauubusan ng sasaguting issue si Mega lately kaya siguro napapagod din siya pero ayaw patalo.

Bukod sa pagsagot sa controversial issues, abala rin si Mega sa pagpo-post ng mga food account ng mga nagpapadala sa kanila ng masasarap na pagkain bilang support sa maliliit na negosyo.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with