K Brosas at Crystal
K suportado ang pag-amin ng anak na tibo
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Emosyonal ang komedyanteng si K Brosas sa kanyang birthday.

Ang rason, nilantad niyang umamin na ang kanyang anak. 
“Napag-usapan namin ng anak ko na gawin ito. At the same time, sinabi niya it’s about time at sinabi ko naman sa kanya na ‘Are you sure?’ Bilang ina at legal age naman siya, parang birthday gift ko sa kanya. So here we go” at doon na nga inamin ng anak niyang si Crystal na “Ako po si Crystal and I’m a lesbian. I’m gay.”

Actually ayon naman kay K, matagal na niyang alam ang tungkol sa sexual preference ng anak. “Wala akong galit, wala akong buwisit. Tinanggap ko. ‘Yong anak ko, nag-iiiyak. Ako, kalmado. Sabi ko, ‘Anak, kahit ano pa, kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita.’ Kasi ‘yon ang unconditional love bilang magulang,” kumpisal niya sa pag-out ng anak,

“Pasensya na po sa mga Christian. Nag-iisang anak ko ito. Kung anong gusto niya, susuportahan ko tulad ng kanyang music, pagko-compose, napakagaling sumayaw, naggi-gitara. So tinanong ko siya ngayong birthday ko biglaan, ‘Anak, gusto mo mag-out?’ Umiyak siya sabi niya, ‘Oo.’ So, now, we’re here. Ang sexual preference ng anak ko, walang kinalaman sa pagmamahal ko sa kanya. At sa mga nakakapanood nito na sinusumpa ang mga anak nila dahil sa religious. Sorry, peace, hindi. Kung anak mo ‘yan, unconditional (love dapat) ‘yan. And I’m very proud sa anak ko. Nagtatrabaho siya ngayon, napaka-talented... Alam ko na ito ‘yong kanyang sexual preference, hindi ‘yon hadlang kasi nag-iisa ko lang ito. Actually, kahit hindi ito nag-iisa, kahit pito sila that won’t change the fact na tanggap ko siya.”

Marami ang na-touch sa ginawa ni K na habang umiiyak ay hinahawakan ng anak ang kanyang likod.

K BROSAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with