Camille Prats Family
1st birthday ng anak ni Camille, online ang celebration!
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

Sa kabila ng pandemya ay nairaos ni Mars Pa More host Camille Prats ang 1st birthday ng kanyang youngest son na si Nolan noong July 11.

Simple man ang dinosaur-themed birthday party ng anak, masaya si Camille na naipagdiwang nila ang special day ni Nolan kasama ang kanilang friends at family na nakisaya online bilang pag-iingat pa rin.

Maraming netizens naman ang naaliw sa cute na birthday photos na ibinahagi ni Camille sa kanyang Instagram, “Nolan is one! Last July 11, we had a simple celebration at home and invited friends and family to celebrate with us virtually!”

Maingat din daw ang mga taga-photo studio sa pagkuha ng kanilang larawan at nakasuot ang mga ito ng PPE gears gamit ang super zoom lens para makuhanan sila kahit sa malayo.

Abangan naman ang masayang chikahan at kumustahan ng Kapuso moms na sina Camille, Iya Villania, at Solenn Heussaff sa bago at special episodes ng Mars Pa More para sa kanilang anniversary week simula July 27, 8:50 a.m., sa GMA Network!

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with