^

PSN Showbiz

Catriona at Sam, kindness ang reply kay Clint

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona at Sam, kindness ang reply kay Clint
Catriona Gray

‘Kindness’ ang isinagot ng mag-dyowang sina Catriona Gray and Sam Milby sa ex ni former Miss Universe na si Clint Bondad. Magkasunod na nag-upload sina Sam and Catriona ng pinagkaabalahan nilang outreach program.

“A few weeks ago, I was able to take part in an outreach program for @youngfocusph. I’ve heard so much about them and the work that they do from @catriona_gray so I wanted to also get involved and support. Going there and working with their volunteers was really rewarding. It proved to me that helping others is one of the most rewarding things you can do. #PassTheKindness,” ang post ng Kapamilya actor.

Same event ang ipinost ng dating Miss U.
“It’s been a month since we launched the #PassTheKindness video a month ago, a lot has happened! Sharing with you some amazing individuals who have been working to spread kindness throughout the community to help them overcome these challenging times.
“Sharing these because I want to show, that it doesn’t matter how big or small an act, it can still make a difference for someone today.
“I’m encouraging you to share your good works or nominate someone using the #PassTheKindness hashtag in hopes to inspire the people around you! I’ll be featuring submissions on my platforms to help spread positivity!,” banggit naman ni Catriona habang ipinapakita ang mga nabigyan nila ng tulong kung saan naka-collect sila ng P5 million para sa mga taga-Tondo at kasama sa na-i-distribute nila ang 100,000 kilograms of rice at marami pang ibang items.

Maalalang iniimbita ni Clint si Sam na maging ‘client’ niya.

4 na staff ng teleserye na-COVID?!

Apat palang staff ng teleserye ang tested positive habang nasa taping sa isang resort na pag-aari rin ng isang actor na kasali rin sa naturang teleserye. Ito ang isa sa naging topic sa masayang episode ng weekly talk show ng mga chikadora ng bayan na sina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu kahapon ng tanghali.

Actually, isa lang ‘yun sa pinag-usapan kahapon sa live episode ng Take It… Per Minute, Me Ganun, ang number digital talk show sa kasalukuyan.

Kaya naman marami na talaga ang convinced na airborne nga ang coronavirus.

Kasi imagine daw nasa isang open air area ang cast ng nasabing teleserye dahil nga resort ang lugar at hindi mo rin daw masasabing hindi nag-iingat ang mga may-ari nito at lalong hindi puwedeng sabihin na hindi limited ang movement ng mga kasali sa taping pero may mga nahawa pa rin.

Na-pack up na raw ang taping ng nasabing teleserye.
Ayon sa lumabas na journal ng Clinical Infectious Diseases : “Beyond any reasonable doubt that viruses are released during exhalation, talking and coughing in microdroplets small enough to remain aloft in the air” ayon sa pag-aaral ng scientist mula sa Australia and US. Sinabi na rin ng WHO na “The possibility of airborne transmission in public settings - especially in very specific conditions, crowded, closed, poorly ventilated settings that have been described, cannot be ruled out.

“However, the evidence needs to be gathered and interpreted, and we continue to support this,” ayon sa WHO matapos ngang sabihin ng 239 scientist sa 32 countries na merong ebidensiya na nakakahawa ang floating virus particles pag nalalanghap ito. 

So possible nga bang airborne nahawa ang mga nasabing staff ng isang unit na nagti-taping para sa isang teleserye?

Anyway, laging pinaalala ng lahat na magsuot ng mask sa lahat ng oras kahit pa kakilala mo ang kausap mo – kamag-anak, kaibigan, basta may kausap pa, ‘wag na wag magtatanggal ng mask.

Going  back to Take It… meron ding blind item sa programa tungkol sa isang actor na nabuko na minamasa-masahe ng isang poging boylet nang magpa-deliver ito ng pagkain.

Nang dumating daw ang food rider nataranta si actor at biglang nagtago at ang pinaharap lang sa rider ay ang boylet.

Hahaha. Ang saya. ‘Yan at marami pang iba ang napanood sa TIPMMG kahapon.

Special thanks to Beautederm Corporation (Ms. Reí Ramos Anicoche Tan) na main sponsor ng episode 61 ng TIPMMG.

Sa mga hindi pa nakapanood, puwedeng maki—team replay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON.

Salamat din sa lahat ng loyal viewers lalo na yung mga nasa abroad na talagang nagpupuyat para makapanood at maki-chika.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with