^

PSN Showbiz

Sigaw ni Ate Vi ‘hindi kami stockholder ng ABS-CBN!’

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sigaw ni Ate Vi �hindi kami stockholder ng ABS-CBN!�
Ate Vi at Luis

Halos hindi pa rin makapaniwala si Congresswo­man Vilma Santos-Recto sa naging desisyon ng Kongreso na hindi pabor na magkaroon ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Matatandaang isa ang actress-politician sa 11 na pumabor na muling mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network. “Nagulat talaga kami. Nasagot naman ng ABS-CBN lahat ng akusasyon sa kanila. Kaya we were expecting a more comfortable number,” bungad ni Vilma.

May ilang mga nagsasabing mayroong ‘conflict of inte­rest’ ang pagiging pabor ng Batangas District 6 Representative na muling mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Isa ang anak ni ate Vi na si Luis Manzano sa Kapamilya stars na posibleng maapektuhan sa pagsasara ng network.

“Wala akong nakikitang conflict of interest. Wala na akong programa sa ABS-CBN. ‘Yung anak ko naman, adult na siya, may sarili na siyang desisyon. And besides talent lang naman siya. Hindi naman kami stockholder ng ABS-CBN,” paglilinaw niya.

Ang tanging iniisip ng Congresswoman ay ang kapakanan at kinabukasan ng mga em­pleyado ng ABS-CBN lalo na ngayong may kinakaharap na krisis ang bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. “Hindi na ito tungkol sa company. Tungkol na ito sa 11,071 employees. Hindi natin ini-expect na magkakaroon ng pandemya. Ang dami ng kompanyang nagsasara. Sabi ng asawa ko (Senator Ralph Recto), baka umabot ng 10 million ang unemployed. Ang dinarasal ko na lang at this point in time, sana lumawak ang pang-unawa ng mga kasama ko sa Kongreso. Kasi kung may kailangan panagutan, I believe may proseso ang batas diyan. Kailangan nagtutulungan tayo para makapagbigay po tayo ng isang malaking solusyon para sa mga problemang dumadating sa bansa natin. This is not the time to be heartless. Huwag ninyong isara ang mata ninyo at gamitin n’yo rin ang puso n’yo,” makahulugang pahayag ni Ate Vi.

Ruffa gustong magdrama kahit maliit ang bayad

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw ni Ruffa Gutierrez na makagawa ng isang independent film. Gustong masubukan ng aktres ang isang role na hindi pa niya nagagawa sa loob ng mahigit tatlong dekada sa show business.

“Pwede ba akong mag-indie movie? Gusto ko heavy drama vibes na walang make-up at inaapi-api. Kakaibang role naman, okay lang kahit hindi ako bayaran ng malaki. I think every actor or actress in their career would like that,” nakangiting pahayag ni Ruffa.

Inalala ng aktres ang batikang direktor na si Lino Brocka na siyang may likha ng ilang pelikula katulad ng Maynila Sa Kuko ng Liwanag, Bona, Insiang at marami pang iba.

Noong nabubuhay pa ang direktor ay may plano raw itong mas makilala si Ruffa sa pamamagitan ng isang makabuluhang pelikula.

“I was able to work with Lino Brocka before he passed away. I remember marami siyang plano para sa akin noon but bigla siyang nawala. I think I want to do something like that pa rin,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ABS-CBN

RUFFA GUTIERREZ

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with