^

PSN Showbiz

TIPMMG exciting ang balitaktakan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
TIPMMG exciting ang balitaktakan
TIPMMG

Kahapon, Tuesday na naman at Take It… Per Minute Me Ganun day namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Nakakatuwa naman na kahit once a week lang kaming nagkikita ay nandoon pa rin ang rapport pag nakaupo na kami at nag-uusap.

‘Yung flow of thoughts ay tuluy-tuloy kaya wala ka­ming dead air. Puwedeng hindi kami in unison sa agreement sa isang bagay, pero nire-respeto namin ang opinyon ng bawat isa. Hinahayaan naming sabihin kung ano ang nasa loob ng isa’t isa pagkatapos, saka kami magbibigay ng opinyon.

Pero hindi namin hinaharangan kung ano ang gustong sabihin ng bawat isa.

Kaming tatlo mismo ay excited sa mga topics na pinag-uusapan namin, kaya sana ang followers natin ay nag-i-enjoy din, Salve.

Tuwing Tuesday, 12 to 1 ng tanghali, sa Facebook ng @pilipinostar­ngayon ha, huwag kalimutan.

ABS-CBN matapang na hinaharap ang hamon

Double whammy talaga para sa production ng ABS-CBN ang denial sa kanilang franchise.

To think na sila pa nga ang mas naunang nangahas na mag-jump start ng production by starting to shoot ng ilang mga serye nila. Nag-dare sila na umpisahan ang production kahit nahihirapan na sa budget at mas magastos pa ngayon dahil sa mga bagong health protocols, pero hinarap nila ang hamon basta lang makita at ma-feel ng lahat na puwede pang mabuhay ang showbiz.

Kaya ngayon, stand still, waiting for the next move. Siyempre, mabigat pa ang loob ng mga taong magtrabaho, dahil mas lalong luminaw ngayon na mas maliit na lang ang audience reach nila, pero gaya nga ng favorite Korean word ko fighting.

Fight lang and stand tall, continue working lang. Bow!!!

Lock-in taping iibahin na rin

Ang saya saya ng mga nanonood ng ASAP Natin ‘To at All-Out Sundays. Kahit paano mayroon ng semblance ng unti-unting pagbabalik ng TV shows, kahit sabihin mo pang Zoom at virtual TV lang ang mga unang ginagawa.

After mabalita na nagkaroon din ng cases ng COVID-19 ang mga nag-lock-in taping, medyo gusto na namang ibahin ng mga production ang protocol na gagawin para sa taping o shooting.

Siguro nga, mas magiging less gastos pa kung walang lock-in, talagang lesser people na lang sa set ng taping o shooting.

Kanya-kanyang ingat para sa safety ng lahat, complete sacrifice na lang para umusad na ang showbiz. Or better, talagang dapat safe na lugar na hindi talaga marami ang tao, out na ang outdoor scenes na maraming involve na cast.

Basta isip pa more para mag-start na safe ang lahat.

vuukle comment

ABS-CBN

TIPMMG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with