Bea Alonzo
Angel, Lizquen at iba pang Kapamilya stars tuloy ang pag-iingay, mga nanahimik nakikipag-negotiate na sa ibang channel?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

Nakiisa ang Kapamilya stars na sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Melai Cantiveros, Pooh, Robin Domingo, Bianca Gonzales Liza Soberano, at Enrique Gil sa ikalawang noise barrage na ginawa ng supporters ng ABS-CBN noong Linggo bilang protesta sa hindi paggawad ng prangkisa ng Kamara sa network.  

Tila bumuhos nga ang suportang natanggap ng network mula sa iba’t ibang personalidad, grupo at mula sa publiko nitong mga nakaraang araw, hindi lang sa mga ginawang vigil at noise barrage kundi pati na rin sa social media. 

Meron pa ngang mismong anak ng ilang Kongresista ang nagpahayag ng pagkadismaya, tulad na lang ni Kito Noel na sinabing “duwag at takot” ang ina niyang si Rep. Jaye Lacson-Noel kaya nag-deputize ito ng kapwa kinatawan upang bumoto para sa kanya laban sa network na kinampihan pa ni Frankie Pangilinan pero na-bash ang anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan sa pagkampi kay Kito.

Well, bukod sa nakakadismaya ang desisyon ng Kamara, hindi rin ito tumugma sa resulta ng ginawang survey ng Social Weather Station nitong unang linggo ng Hulyo na nagsasabing 3 sa 4 na Pilipino o 76% ng populasyon ay naniniwalang dapat marenew ang prangkisa ng network. Ayon pa sa survey, 13% lang ang hindi pabor sa franchise renewal habang ang natitira ay hindi seryoso sa usapin.  

Ayon sa data, 70 million viewers diumano linggo-linggo ang sumubaybay sa Kapamilya network, na tila dinedma ng mga mambabatas na bumoto para ibasura ang franchise ng giant network at tanging 11 kongresista lang ang pumabor dito.

Maalalang nabalita na halos 200 petisyon ang tinanggap ng Kamara tungkol sa usapin at 181 dito ay pabor sa renewal.  Ano nga kayang nangyari at iilang petisyon lang na kontra sa franchise ang pinakinggan?

How true naman kaya itong inulat na may kinalaman ang isang grupo sa naging kapalaran ng network?

 Well, mula sa simula pa lang naman ay tila may mga tanda na negatibo ang kahihinatnan ng pagdinig. Sa mga sumubaybay sa 12 hearings, mapapansing mas mahaba ang oras ng pagsasalita ng mga anti-ABS-CBN at kung minsan ay may mga tanong o akusasyong ibinabato na hindi naman pinapasagot.  

Sa kabila nito, marami pa ring umasa at nagtiwala sa proseso na magkakaroon ng pagkakataon ang Kapamilya network na muling makapagserbisyo, kaya’t hindi mapigilan ang kaliwa’t kanan na protesta.

Inaasahang mas marami pang Kapamilya stars ang sasali sa noise barrage pero sumama na kaya rito ang ibang Kapamilya stars na hindi kumikibo sa nangyari sa kanila?  Yes, maraming dedma na lang na ‘wag raw tayong magugulat kung ang mga ito ay nasa ibang channel na mapapanood. Meron na diumanong nakikipag-negotiate sa ibang network para sa kanila ayon sa isang source.

Wait tayo kung magbubunga ang mga nagaganap na protesta para hindi tuluyang magsara ang ABS-CBN.

 

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with