^

PSN Showbiz

Marlo nakaranas ng matinding depresyon, tinulungan ng halaman at sikat ng araw na maka-recover

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marlo nakaranas ng matinding depresyon, tinulungan ng halaman at sikat ng araw na maka-recover
Marlo

Nakaranas ng anxiety attack si Marlo Mortel nitong mga nagdaang linggo. Ngayon ay unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ng singer-actor. “Ngayon slowly recove­ring na po. Nagdaan ako sa matinding emotional stress, breakdown dahil sa mga nangyayari. Napagdaanan ko ‘yan nitong mga nakaraang linggo. It was really hard. Gulung-gulo na ako hindi na makagalaw ‘yung katawan ko,” pagbabahagi ni Marlo.

Ayon sa binata ay talagang mahirap na maranasan ng isang tao ang depresyon. Mayroon ilang mga bagay na natutunan si Marlo dahil sa pangyayari. “Ang natutunan ko lang is dapat ma­ging positive ka lang. It’s the hardest battle I’ve ever fought and it’s true that you wouldn’t even notice a person who’s going through that situation. Ang nagpasaya talaga sa akin dito (sa bahay) ay ‘yung mga halaman, minsan sikat ng araw,” paglalahad niya.

Malaki ang pasasalamat ni Marlo sa lahat ng mga naging bahagi at nakatulong upang maiwasan ang nararamdamang depresyon. “I thank my family and friends who stood by me. Most especially God who saved me. Only You and Your words could give us peace. Never doubt, believe,” makahulugang pagtatapos ng aktor.

JC, open na ma-in love sa kapwa lalaki

Napapanood na sa Youtube channel at Facebook page ng Black Sheep ang Hello Stranger na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Madalas mag-trending sa Twitter ang tungkol sa naturang boys love series.

Ayon kay Tony ay nahirapan siyang gampanan ang karakter bilang si Xavier sa serye. “Kasi as an actor, means kapag sobrang invested ka sa role mo, baka minsan you lose your sense of self. Kasi some people go overboard with their character. Siguro ang importante, if you don’t want to lose your sense of self, you need to keep going back to your core. So that you can separate your character from yourself. Kasi that’s very possible naman eh if you’re always immersed in being in love with this person,” paliwanag ni Tony.

Para naman kay kay JC ay posible talagang mangyari sa totoong buhay kung paano nagka­kilala at nagmahalan ang mga karakter nila ni Tony sa kontrobersyal na BL series. “Si Mico dito, straight siya pero hindi niya inaakala na mai-inlove siya sa isang kagaya ni Xavier. Hindi rin natin alam ‘yung universe or ‘yung tadhana na someday if ma-meet ko ‘yung kagaya ni Tony na ma-in love ako sa kanya. Kasi hindi mo naman mapipigilan ‘yung feelings na ma-in love ka eh. Lalo na kapag napalapit ka sa kanya tapos naramdaman mo na gusto mo na pala siya,” nakangiting pahayag ni JC. Reports from JCC

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with