^

PSN Showbiz

Aktres na pang-nanay ang bagay na role, walang puso sa mga nawalan ng trabaho

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Negang-nega ang dating ngayon ng isang female personality dahil sa mga ipino-post niyang mensaheng inaarayan ng kanyang mga kapwa artista.

Nagmumukha na ngang bawang ngayon ang babaeng personalidad na sumikat nu’ng kanyang kapanahunan, kasahog na siya sa lahat ng lutuin, hindi na niya nababatanyan ang kanyang emosyon.

Kuwento ng aming source, “Nakakalungkot lang isipin na may mga artistang parang ikinatutuwa pa ang kabiguan ng mga kapwa niya artista.

“Akala pa naman natin, e, nagkakaisa sila, walang iwanan, pero may mga personalidad na sa halip na makisimpatya sa mga nangyayari ngayon, e, parang humahawak pa ng bandera sa pagbubunyi!” naiinis na kuwento ng aming source.

Matagal nang artista ang female personality, nakilala siya sa linya ng kaseksihan, ‘yun ang naging tulay niya sa popularidad na natikman niya.

“Pero sorry, pang nanay na ang nababagay na roles sa kanya ngayon, tapos na ang panahon niya, doble na ang katawan niya! Hindi na niya puwedeng ipagmalaki ang body niya ngayon!

“Okey lang ‘yun, physical lang naman ang nag-iba sa kanya, pero ang mga ginagawa niya ngayon ang hindi maganda! Imagine, daan-daang kasamahan niya na nga ang nawalan ng trabaho, e, masayang-masaya pa siya!

“Naging part din siya ng network na problemado ngayon, napasama rin siya sa mga serye ng station nu’n, nasaan ang pagtanaw ng utang na loob ng babaeng ‘yun? Huwag na ang network, ang mga co-stars na lang niyang hindi na alam ang gagawin ngayon para mabuhay sila, wala ba siyang pakiramdam?

“Kung hindi man siya maka-relate dahil madatung siya, e, manahimik na lang siya! Huwag na siyang umastang parang wala siyang puso sa kinahinatnan ng mga kasamahan niya!

“Tantanan na niya ang pagpapalapad ng papel, pabayaan na lang niyang lumapad nang lumapad ang body beautiful kuno niya, huwag na siyang mang-insulto!

“Hindi ikinatutuwa ang kabiguan ng ibang tao, pinakikisimpatyahan ‘yun, hindi ipinangangalan­dakang tama ang kabilang kampong pinagsisipsipan niya!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Ubos!

Alok ng kampo ni Vice, tinanggihan ng TV5

Kumpara sa maraming artista ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasarado sa network ay maganda ang posisyon ni Vice Ganda.

Nakaipon na siya nang sobra pa sa sapat ng kanyang mga pangangailangan para mamuhay nang paboloso. Hindi na siya maghihirap. Sigurado na ang kanyang kinabukasan.

Malayung-malayo ang kanyang sitwasyon sa marami niyang kasamahang artista na puro dasal ang ginagawa ngayon para may magbukas uling pintuan ng oportunidad para sa kanila.

Bukod sa nakapagtabi na para sa kanyang kinabukasan si Vice Ganda ay meron siyang Viva Entertainment na puwedeng maglako sa kanya sa ibang network. Henyo si Boss Vic del Rosario sa linyang ‘yun.

Mahusay magbilao ng kanilang mga kontratadong artista si Boss Vic, meron itong gintong dila sa pagbebenta, kaya hindi masyadong nag-aalala si Vice Ganda.

Pero isang mapagkakatiwalaang impormante mula sa TV5 ang nagbulong sa amin na hindi kinagat ng istasyon ang mga inilatag na alok ng Viva Entertainment para kay Vice Ganda.

Sabi ng aming source, “Habang nag-uusap tayo ngayon, e, hindi naka-first base si Vice sa TV5. Pareho lang sila ni Kris Aquino,” madiing komento ng aming impormante.

Napakataas diumano ng presyong hinihingi ng kumpanya para kay Vice, presyong puwedeng tanggihan, dahil sino nga ba naman ang nangangailangan ngayon kanino?

Sino ba ang pinagsaraduhan ng istasyon at nagtatangkang magpatuloy ng kanyang career ngayon sa ibang network?

Hindi puwedeng maging choosy ngayon ang mga personalidad na nasagasaan sa pagsasarado ng ABS-CBN. Nasa dulo sila ng lubid, hindi sila puwedeng magdikta, dahil sila ang nangangailangan ng trabaho.

Komento nga ng mga jeepney driver nu’ng hindi pa sila pinabibiyahe habang namamalimos na lang sa kalye, “Masyado na po naming pinabababa ang pagkatao namin sa pamamalimos, pero nilulunok na lang namin.

“Kahit barya-barya lang, e, puwede na, kesa naman sa maguton ang mga pamilya namin. Hindi po kami puwedeng pakainin ng pride,” sabi ng mga kababayan nating sobrang pinadapa ng pandemya.

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with