Marian, proud mom
Proud moom si Marian Rivera sa masipag niyang panganay na si Ate Zia na mapapanood sa latest video ni Kapuso Primetime Queen.
Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak na nakasuot pa ng cute na pink apron. Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay sa murang edad nito. Karamihan nga kasi sa mga bata ngayon ay gadget ang pinagkakaabalahan.
At least si Zia, gawaing bahay lalo na ngayong wala pa ring definite kung kailan nga ang opening ng classes dahil sa health crisis pa ring kinakaharap ng bansa.
Matatandaang ikinuwento ni Marian sa nakaraang guesting sa online All-Out Sundays show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay, “Dinivide namin ‘yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, ‘yan na ‘yung bonding namin.”
- Latest