^

PSN Showbiz

Kathryn hihintaying bumangon ang channel 2

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kathryn hihintaying bumangon ang channel 2
Daniel at Kathryn
STAR/ File

Wala pang sinasabing decision ang Kapamilya loveteams - KathNiel, JaDine and LizQuen - kung hindi muna sila tatanggap ng work outside ABS-CBN.

Sa kasalukuyan ay hindi pa alam ang kapalaran ng franchise ng network pagkatapos i-reject ng Congress ang renewal nito.

May kilala kaming producer na interested na i-produce sila ng teleserye para sa ibang network, ‘yun nga lang pinag-aaralan pa raw ng kanyang team kung papanoorin ba kahit nasa ibang channel na ang mga sikat na Kapamilya loveteams.

Baka raw kasi mag-awkward ang fans na manood pag nasa ibang channel na ang mga ito at ma-bash pa sila.

Si Kathryn ay sinasabing wala siyang planong talikuran ang network hanggang sa makabangon ito.

“Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa ‘yo— nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat. Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa ‘yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka. Kakayanin natin ‘to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo ‘yan.”

Malamang ganito rin ang stand ni Daniel Padilla.

Sina James Reid and Nadine Lustre ay tahimik sa pinag­daraanan ng kanilang network kaya malaki ang chance na makipag-deal sila sa ibang network. Terminated na ang network contract ng lahat ng Kapamilya stars sa Channel 2.

Si Liza ay very vocal sa lungkot sa naganap na pagsasara ng kanyang home network kaya ramdam ng fans na hindi rin nito iiwan ang nagpasikat sa kanila ni Enrique Gil.

Sa ABS-CBN sumikat ang tatlong loveteams.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with