_ngayon
^

PSN Showbiz

Agot pumatol sa isyung bibilhin siya ni Jinkee para gawing katulong

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Agot pumatol sa isyung bibilhin siya ni Jinkee para gawing katulong
Agot
STAR/ File

Ang lakas ng aliw factor ng meme kina Jinkee Pacquiao at Agot Isidro na kunyari ay napanood sa 24 Oras ng GMA 7.

“Mars ano to?”

“Breaking news : Jinkee Pacquiao binili si Agot Esidro para gawing katulong sa bahay.”

Si Vicky Morales pa ang ginamit na anchor para sa nasabing kunyaring nagbabagang balita.

Hahaha.

Grabe ang galing din nilang mang-inis.

At pinatulan ni Agot ha. “Pa fact check naman

@24OrasGMA.

“Mga trolls nga naman.”

Actually, kung hindi siguro ni-retweet ni Agot with comments hindi na mapapansin ang nasabing meme dahil una mali nga ang spelling ng last name niya. “Mas nagmukha kang low class Agot at mas tumaas tingin ng karamihan kay Jinkee. Isip-isip muna kasi before mag-tweet. Bumababa tuloy tingin ng tao sa ‘yo,” ang comment tuloy ng isa niyang follower.

Maalala ngang naging kontrobersiyal ang comment ni Agot tungkol sa issue ng his and hers bike nina Jinkee and Sen. Manny Pacquiao. “Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na ‘yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau,” tweet ng singer last July 9.

Hindi ito pinatulan ni Jinkee pero binuweltahan siya ng manager ng mag-asawang Pacquiao na si Arnold Ve­gafria.

Pero nag-edit ng caption si Jinkee at nilagay niyang bigay lang ‘yun. “His and Hers. Ang bike na ito ay gift po sa amin ng aming kumpare na si Hermie Esguerra.”

Kanya-kanya ng mga kakampi ang dalawa pero mas marami ka­sing followers si Jinkee sa social media accounts niya.

Two million ang followers ni Jinkee sa Instagram habang si Agot ay 258k lang though walang official Twi­tter account si Jinkee. Si Agot ay may 62.2 followers sa Twitter.               

AGOT ISIDRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with