_ngayon
^
Ate Vi nag-trend, nagulat sa â11â
Ate Vi

Ate Vi nag-trend, nagulat sa ‘11’

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

Nag-trending si Rep. Vilma Santos kahapon na kabilang sa tinatawag na ‘Brave 11.’

Very vocal nga si Ate Vi na gulat na gulat siya dahil 11 votes lang ang nakuha ng favor sa renewal ng franchise ng ABS-CBN. “Biglang, bakit kami kumonti ng ganito na lang? Very significant naman na bigla na lang kami naging 11. May mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta matatanong o makikuwestiyon. Maski ako, hanggang ngayon, hindi ko ma-absorb, nahihirapan ako,” pahayag ng mommy ni Luis Manzano na isa rin sa mga author sa renewal ng franchise.

Dagdag pa ni Ate Vi na hindi niya inasahang magsasara ang network dahil kung meron na raw itong administrative shortcomings puwede naman daw itong itama dahil merong proseso ng batas.

Inaalala niya ngayon ay ang mawawalan ng trabaho na 11,000.

“I truly believe... I’m still very optimistic, we can refile. Puwede naman po ‘yan later on. Sabi ko nga, hindi dito magsasara ‘yan,” banggit pa niya sa interview sa DZMM noong Friday night.

Kaya naman super proud si Luis sa kanya. “Love you Momski. Proud of you,” tweet ni Luis.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with