^

PSN Showbiz

Vice Ganda, magulo pa ang nararamdaman

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos basahin ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Cong. Franz Alvarez ang boto sa denial ng franchise ng ABS-CBN 2, dumating si Vice Ganda sa labas ng ABS-CBN building mula sa caravan.

At iyon ang balitang isinalubong sa kanya, at parang hindi pa gaanong nag-sink in sa kanya ang sinabi ng isang reporter na hindi ibinigay sa ABS-CBN ang franchise na hinihiling.

Sabi niya, “Sabi ko nga, ang Diyos ang pinakamahusay na direktor, producer at scriptwriter. At alam kong kung comedy man, horror, action, drama ang mga pangyayari, happy ending pa rin yan.

“Kaya kung hindi pa happy, ang ibig sabihin, hindi pa ending.”

Pagkababa niya ng sasakyan, sinalubong siya ni Mario Dumaual para hingan ng reaksyon sa desisyong iyon.

Medyo garalgal na ang boses at hindi pa raw gaanong nagsi-sink in sa kanya ang masakit na balitang iyon. “Kailangan ko lang prosesohin ang naramdaman ko kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung desisyon. So, magulo pa ‘yung nararamdaman ko. Hindi ko alam.

“Para akong nanginginig na hindi ko alam. Ang alam ko, malungkot na malungkot ako ngayon,” sagot ni Vice Ganda sa tanong ni Mario Dumaual.

Galit, lungkot at pagkadismaya ang ipinost ng mga Kapamilya stars sa kanilang social media account.

Si Angel Locsin naman ay nagpasalamat sa lahat na sumuporta sa kanilang ipinaglaban at sa sambayanang naging bahagi ng pagbibigay nila ng aliw sa telebisyon.

Rita Daniela nagka-anxiety

Excitement at kaba ang naramdaman ng mga taga-All-Out Sundays na babalik na sa telebisyon ngayong Linggo.

Pero naka-Zoom muna na tipong Stay Home Party muna sila. Ilang taga-AOS ang nakatsikahan namin via Zoom at napansin ko ang pagpayat ni Rita Daniela na sumeksi sa bagong kulay niyang buhok.

Bilang wala namang ginagawa sa bahay, kinarir ni Rita ang pagpapayat. Tumitingin daw siya sa mga ginagawang workout sa YouTube at mayroon daw nag-sponsor sa kanya ng diet food na naka-pack kaya nabawasan nga siya ng timbang na ikinatuwa naman niya.

Kaya tingnan natin mamaya sa AOS kung magpapa-sexy nga si Rita sa Sunday party via Zoom. Gusto naman daw niya talagang pumayat siya.

Samantala, aminado si Rita na dumaan din siya sa depression nitong naka-ECQ tayo. Kaya malaking bagay din itong pagbabalik ng All-Out Sundays sa TV.

Nahirapan daw siya kapag dumarating ang panahon na anxious na siya at nadi-depress. “Nahihirapan po ako sa season na to. Kasi, umabot sa time na ‘yung an­xiety po sobrang lakas po na bigla na lang po…out of nowhere iiyak na lang ako. Nagtatanong ako na ano ang mangyayari, kung totoo ba to,” saad ni Rita.

Dagdag na alalahanin sa kanya ang kalagayan ng mommy niya na nakikipaglaban sa sakit na cancer at nagpapa-chemotherapy. “Ayokong makikitang nahihirapan po ‘yung nanay namin.  Kung sana walang COVID at tuluy-tuloy yung work, mas mapapagaan namin ang buhay eh. Pero dahil sa COVID, nalimitahan ‘yung kakayahan naming magkakapatid,” malungkot na pahayag ng Kapuso singer/actress.

Malaking bagay daw ‘yung patuloy na pagda­rasal, kaya kahit paano ay napapakalma siya. Mamaya sa AOS ay isang masa­yang celebration daw ang mapapanood via Zoom na talagang pinaghandaan daw nila nang husto.

vuukle comment

ABS-CBN

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with