^

PSN Showbiz

Pagiging palaban hindi nakatulong sa franchise?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Forever memorable for ABS-CBN ang July 10, 2020. Friday ito, sorrowful day dahil dito na winakasan ang desisyon na hindi mare-renew ang kanilang franchise.

Staggering ang boto na 70 para hindi ma-renew, 11 sa oo, dalawa ang abstain at isa ang hindi nagbigay ng boto.

Ibig sabihin, mas marami talaga ang ayaw sa renewal at mas marami ang hindi nagustuhan ang paliwanag.

Sabi nga ni Rep. Rodante Marcoleta kung naging mapagpakumbaba lang noong una pa lang, tinanggap ang mali, baka nabago pa raw ang desisyon.

Ibig sabihin, nagkaroon talaga ng epekto ang combative stand ng mga artista na nagsalita, ang bashing na tinanggap ng ibang congressman, naging negative ang epekto nito.

Pero iyon nga, huli na para i-evaluate pa kung ano ang mga naging pagkakamali, hayan na ang desisyon. Ang puwede na lang gawin, mag-file ng bagong franchise, bibigyan din iyan, maaayos din ang lahat.

Tanggapin natin na sa buhay, mayroong ups and downs, huwag na nating pasukan pa ng galit.

Dapat look forward na, pray na lang natin ang mga em­pleyado na nawalan ng trabaho, ‘yung mga artista madali lang makakakuha pero ang  regular na employees ang talagang kawawa.

Huwag na rin sanang dumag­dag pa sa mga pangyayari ang mga bibitawang masasakit na salita ng ilang mga artista o netizen na frustrated sa naganap na denial ng franchise.

Kung sina Ernie Lopez at Carlo Katigbak ay may respeto sa nangyari, gawin natin silang exam­ple. Kahit anong desisyon, tiyak na dalawa ang side, mayroong may gusto, mayroong may ayaw.

Sa puntong ito mas maganda na maging mahinahon ang lahat, huwag nang dumagdag sa gulo, huwag mambuyo ng galit at ma­ging kalmante na lang para ma­ging objective.

Kung anuman ang ending nito, doon natin makikita kung sino ang mali o tama.

In the meantime, hintayin ang susunod na kabanata.

BuyBust may problema pa sa budget

Medyo mayroon palang side story ang production ng pelikulang BuyBust. Ok na sana ang resulta ng action movie ni Anne Curtis lalo na at nabili ito sa Netflix pero mayroon palang side story ito regarding the production.

Sana maayos dahil sayang naman kung sa kaunting pera, ‘yung tiwala at pagnanais ng isa sa investors na maging active producer ngayong panahon ng tagtuyot sa showbiz eh maudlot, dahil na-disappoint sa naging resulta ng kanyang tiwala.

Sana maayos ito dahil nakakapanghinayang ang friendship at tiwala na masisira dahil lang sa hindi maayos na usapan.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with